Round 14

11.2K 418 45
                                    

Chapter 14

An: Guys, try to view the image of Shannon Williams at the media. She's our Secret Santiago by the way. Hope you like this chapter.

Anyway, this chapter is dedicated to @ErikaOtakuDave. Hola! Thanks for reading and supporting this story. Kahit puro kalokohan lang ang ginagawa ng characters ko. Nag-eenjoy akong basahin ang comment mo. Sana suportahan mo pa rin ito 'till the end. Hihi.

~*~


Yvonne POV

"Kumembot rin kaya tayo sa mall ngayon?" Sabi ni Secret habang nakangiti ng nakakaloko sa tatlong minamasahe ang mga paa.

Kakagaling lang kasi namin sa field. P.e time namin pero hindi ko sila pinagpalit ng damit. At alam niyo na siguro ang mga nangyari. Nakaheels sila habang nagssoccer.

"Nice suggestion, Secret" I said then grinned.

"Subukan mo, panget! Sasakalin na talaga kita." Akmang lalapit na si Richie sa'kin pero napigilan siya nina Charles at Zake.

"Relax pare. Panget lang yan. Gwapo ka" Zake.

Padabog naman siyang bumalik sa upuan at binato sa'kin ang throw pillow pero nasalo ko yun kaya benehlatan ko siya kaya hindi ko nakita isa pang unan na binato niya kaya sapol ito sa mukha ko.

"Pfff..!"

I glared at Secret na mukhang tatawa pa.

"Hehehe. So saan ang next destination?" Pagiiba ng bruha.

"Sa hukay mo. Tara na. Baka malate pa tayo." I sarcastically said at akmang tatayo na talaga.

"Funny" tipid niyang sagot saka nagroll eyes.

Secret POV


Pagkatapos ng activities sa school, dumiretso na ako sa part time job ko. Sa isang convenient store. Pagkatapos ng duty ko dun, dahil hanggang 9 lang naman ang working hours ko dun--dumiretso na ako sa club na pinagttrabauhan ko. Two hours lang naman ang duty ko dito. At mas nag-eenjoy ako dito. Fyi, hindi ako isang bayarang babae dito no. Marami ngang nagsasabi sa school na malandi ako o hindi na virgin. Madumi daw akong babae. Pero hindi yun totoo.

Isa akong dish washer dito slash assistant cook.

Hobby ko ang magluto hindi lang obvious. Saka pagmamay-ari ng pamilya ni Zake ang club nato, kakahire ko lang dito. Wala na kasing choice eh. Himala ngang nakapasok ako dito eh. Pero nung una, isa lang talaga akong dish washer na nadiscover lang. Kaya ngayon, it's either manghuhugas ako ng plato o magluluto.

Saka minsan, kapag may sobra sa pagkain, kinukupit ko nalang. Sayang kasi dahil itatapon na nila kaya kinukupit ko. Tas magtataka nalang sila na wala na yung tirang pagkain. Kaya sinasabi ko nalang na natapon ko na. Hehehe.

Dinadala ko naman ang pagkain sa mga kapatid ko eh. Kapatid ko sa nanay lang. Iba iba ang tatay eh. At dahil ako ang panganay, tumutulong na rin ako para may panggastos. Si papa, sinusupurtahan pa rin ako pero matagal na silang hiwalay ng mama ko.

May maliit na bakery si papa at sa kanya ko siguro namana ang pagkahilig ko sa kusina. While si mama, nasa bahay lang. Minsan nagtitinda yun ng gulay pero kapag sinumpong, magdadabog na naman yun at papagalitan ako. Ewan ko ba. Palaging sa'kin niya inilalabas ang galit niya sa mga lalaking nangiwan sa kanya.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon