Round 2

19.6K 754 147
                                    

Chapter 2

~*~

"You'll die..."

Ay shet! Ang sweet naman ng message sa locker ko. Nakakakilig! Psh! *insert sarcasm

Kinuha ko naman yung isang sulat.

"Maghanda ka, hinding hindi ka niya tatantanan.." ah! Umiimbestigador lang ang peg.

Hays. Itong mga threats agad ang naabutan ko sa school. Ang cute noh. Nakakasawa na kaya ang "I love you" na sulat sa locker. Para maiba naman, "you'll die" na ang linya. Nakaka-tats naman! Nag-effort pa silang bumili ng envelop na kulay black. Rare kaya to.

"Siya yung babaeng sumagot-sagot kay Richard, diba? Ang lakas naman ata ng loob niya."

"Kala mo naman maganda. Eh magkamukha lang naman sila ng pwet niya."

At nagtawanan ang mga chakadal sa likod ko. Tama bang magchismisan sila MISMO sa likod ko.? Baka gusto nilang ituro ko pa sa kanila kung paano chumismis ng tama diba?

"At kala niyu hindi ko naririnig ang usapan niyu? Hoy! Para malaman ng mga utak niyu o kung meron man kayu nun, kamukha ni Angel Locsin ang pwet ko!"

Hinarap ko sila nang nakataas ang kilay. Aba! Ako lang kaya ang panget na marunong lumaban. Di ako katulad ng iba na nagpapa-api. Purket panget at bida, magpapa-api na? No way!

"How---" I cut her off.

"How dare you na naman?! Wala ka bang ibang linya?"

Si miss how dare you na naman pala to. Yung unang nasampal ko dahil plano akong sabunutan. Aba't buhay pa pala ang lola niyo.

"Ang kapal ng mukha mo!!"

Sasabunutan na naman sana niya ako pero hinarang ko na ang kamay ko.

"Wait. Ang harsh mo talaga! Sabunot ka agad? Di ba pwedeng sigawan muna tayu? Nakakatamad eh!"

"Errr...!!"

Tinampal niya ang isang kamay kong nakaharang at akmang susugod nang hinila ko ang buhok niya. Mabilis akong kumilos eh. Di pareho ng iba jan na ang babagal kumilos kaya natatalo sa laban.

"Hindi mo magugustuhan kung ako na ang sasabunot sayo." Sabi ko saka siya binitawan na may impact syempre. Muntik tuloy siyang sumubsob sa sahig. Mabuti nalang at hindi natuloy dahil may plastic na umalalay. Ops. Tao pala yun. 

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon