Round 42

7.6K 232 14
                                    

Chapter 42


Yvonne POV

Tulog pa ang kaluluwa ko nang bumyahe kaming dalawa ni gorilla papunta sa school.

Magpapractice daw kami. Eh wala naman si Zake! Buti nalang hindi na masyadong masakit ang ulo ko. Kaso nga lang, antok na antok pa rin ako. Akalain mong ginising niya ako nang 4am! Nakakairita! Err.! Parang isang minuto lang ako natulog.

Wala naman akong nagawa nang buhatin niya ako papuntang banyo at basain nang sobrang lamig na tubig. Sa tingin ko nga, muntik nang tumubo yung sungay ko dun. Kahit basa ako nun, pursigido akong ipagpatuloy ang pagtulog ko. Pero napamulat rin ako nang wala sa oras nang sabihin niyang siya daw ang magpapaligo sakin kung hindi pa raw ako gigising.

Kung lasing siguro ako, pumayag na ako.

Buti nalang nasa huwisyo na ako kaya napilitan akong maligo mag-isa.

And speaking of lasing.

Hindi ko na maalala yung nangyari kagabi. Ang huling naaalala ko ay yung ako lagi ang tinuturo nang bote. Walangya! Palpak yung plano kong yun. Imbis na si Charles ang malasing--aish! Ayoko nang isipin ang planong yun. Hindi ko na uulitin yun.

"Ugly!" bulyaw niya malapit sa tenga ko para magising ako.

Pero hindi ko siya pinansin. Patuloy pa rin ako sa pagpikit. Wala akong pake!

Nakakairita. Cancel ko nalang yang swimming2 na yan! letchugas! Jwk. Hindi pwede.

"Andito na tayo. Bumaba ka na jan" he said.

Ayoko.

"Hoy! Gumising ka na nga! Bahala ka..sabi pa naman nila, may nagpapakitang multo raw dito sa school tuwing walang katao-tao" sabi niya kaya agad akong bumaba sa kotse.

Napangiti naman siya.

"Sinong nagsabing tulog ako? Tara na! Mag warm up muna tayo!" masiglang sabi ko.

Nauna akong maglakad. Ngayon ko lang napansin na may yakap-yakap pa akong unan. Hindi ko ba to nabitawan? Tsk.

Nagpunta kami sa basketball court at nagwarm up. Todo stretching ako hanggang sa biglang magsalita si gorilla.

"Bibili muna ako nang breakfast natin" Aalis na sana siya kaya agad kong pinigilan.

"Iiwan mo ko dito?! Hoy! Ayokong mameet ang mga multo dito!" galit na sabi ko sa kanya.

Nagroll eyes naman siya.

"Walang multo. Saka kailangan mo pang magwarm up. Dito ka nalang muna" aalisin na sana niya ang kamay ko sa braso niya kaya mas lalo ko pang hinigpitan.

"Pwede rin naman akong magwarm up kapag sumama ako sayo." i said.

"Paano?"

Nagtingin-tingin ako sa paligid para makahanap nang sagot at hindi naman ako nagkamali.

"Magbibike ako!" sabi ko kaya napatingin rin siya sa bike.

Bumaba naman ang balikat niya sign na sumusuko siya. hehhehe. Kaso isa lang ang bike. Pero pwede rin naman siyang maglakad.

"Saan tayo bibili nang breakfast? Sa jollibee? May malapit namang jollibee dito eh" sabi ko at sumakay na sa bike.

Ipapatakbo ko na sana ito nang pigilan ako ni gorilla sa likod.

"Nakakapagod maglakad" sabi niya at umangkas.

Napangiti naman ako.

"Bababa ka kapag nabigatan ako ah?" sabi ko

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon