Round 35

8.5K 276 24
                                    

Chapter 35

~*~


"Bye Mami! Bye Dadi!" paalam ko sa kanila.

Papasok na ako sa school eh. Kahit nakawheelchair, ayos lang. Miss ko na yung mga walangyang pagmumukha ng mga classmates at schoolmates ko eh.

"Richard, hijo ingatan mo yang unica hija namin ah?"

Nakalimutan kong sabihin na si Gorilla ang maghahatid sundo sakin. Hindi ko alam kung bakit pero wala na akong magawa nang si Dadi na ang nagsalita. Ayoko pa naman sanang pumayag dahil hindi ko pa siya napapatawad sa kasalanang ginawa niya nung nakaraang araw na gumapang ako papunta sa wheelchair ko. Hindi ko talaga makakalimutan yun. Pero akala ko talaga iniwan na nila ako, pinagtaguan lang pala ako. Mga langya! Mukha akong basang sisiw dun.

"I will po tita." sagot naman niya kay Mami kaya napairap ako.

Langya! May nalalaman pa siyang tita jan.

Sumakay na kami ng kotse at nagtungo na sa school. Tahimik lang kami buong byahe. Umagang-umaga kasi sinisira niya ang mood ko. Pagdating namin ng school, literal akong napanganga sa nakita ko.

Lahat ng mga studyante dito nakangiting nakatingin sakin. Dahil sa ngiti nila, aakalain mong mga endorser sila ng toothpaste dahil ang gaganda ng ngipin nila. May ibang kumakaway pa. Ano to? Airport?

"Anong meron?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang si Gorilla.

"Welcome back Yvonne!" Sabay-sabay na sabi nila ng makababa kami ng kotse.

Nagtataka naman akong nakatingin sa kanila. Anong nakain ng mga to?

Lahat sila nakangiting nakatingin sakin nang dumaan kami papasok ng campus. Kahit saan ako tumingin puro mga sinapian ng kabaitan ang nakikita ko. Iba kasi ang ngiting plastik sa totoo eh. At ang nakikita ko ngayon, totoong ngiti.

Aba. Ang galing nilang umarte ah.

Simula nang magsimula ang klase hanggang sa magbreak, puro mga award winning actress at actor parin ang nakakasalamuha ko. Ang babait teh. Nung nagkaroon ng activity, hindi ko na kinailangang humingi ng papel dahil binigyan na ako agad ng katabi ko.

Ang weird ng mga tao ngayon ah. Tuwing magtatanong naman ako kay gorilla, hindi naman siya sumasagot ng matino.

"Yvonne, gusto mo pa bang sumayaw sa Mapeh subject natin? Sayang naman yun. Si Richard rin eh. Wala siyang score dun dahil partner daw kayo" daldal ng kaklase kong ngayon ko pa lang nakilala. Si anime lover. Yun ata ang pangalan niya.

"Ahh. Talaga? Eh pake ko? Kita mo tong paa ko? Sa tingin mo, makakasayaw ako?" Sarcastic na sagot ko sa kanya.

"Pwede rin. Si Bella nga sa twilight, nakipagsayaw rin kay Edward nung prom nila kahit may leg injury siya" sabi niya.

"Anime lover--"

"Analiegh" pagtatama niya sa pangalan niya.

"Oo yun nga. Tsk. San na ba ako?"

"Andito ka lang" sagot naman niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto mong ihampas ko sa pagmumukha mo yung libro ng twilight? Isama na rin natin yung Breaking dawn para with feelings? Ano? Fiction yun. Realidad to." I said at umexit.

Ay hindi pala ako umexit. Di pala ako nakakapaglakad. Langya! Tinignan ko nalang yung katabi kong isa ring award winning actress na may pangalang anime lover.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon