Round 34

9.4K 282 58
                                    

Chapter 34

~*~


"Hoy! Describe mo nga yang Michelle na yan sakin" I said.

May bago raw kasing transferee sa school. At bali-balita raw na may something sa kanila ni Charles kaya muntik na akong bumuga ng apoy kanina nang banggitin ito ni Zake. Well, andito silang lahat sa bahay ko. At kasalukuyan silang naghahabulan sa labas na parang bata dahil lang sa simpleng asaran. Alam niyo naman sigurong madali lang maasar si gorilla?

"Well, maganda. Tas maputi, sakto lang ang katawan, saka matangkad, mahaba ang buhok na dark brown. At higit sa lahat, suplada. Akalain mong tinarayan niya si Charles at inisnob ang kagwapuhan ni Zake? Pero kay Richard, ayun! Kulang nalang mag hugis heart ang mata"

 Akalain mong tinarayan niya si Charles at inisnob ang kagwapuhan ni Zake? Pero kay Richard, ayun! Kulang nalang mag hugis heart ang mata"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pero akala ko ba si Charles ang kafling ng bruha?" I asked.

"Si Charles kasi ang nakatiis sa childish na ugali ni Michelle. Though 3rd year high school pa lang talaga siya at si Charles ang naatasang maging tutor dahil medyo spoiled brat at super bobo sa academic. Pero matalino yun sa mga bagay na walang sense tulad mo"

"So, sinasabi mong bobo ako? Hindi lang bobo kundi super bobo? At paano magiging tutor si Charles sa bruhang yun?"

"Family friend nila Charles yung si Michelle. Minsan nga, nag-aalien language yun eh. Hindi namin maintindihan. Langya! Kung hindi lang yun bata baka natikman na niya ang sapak ko"

"Ako ang gagawa nun. Hindi lang sapak ang matitikman ng bruhildang yun sakin" sabi ko.

~*~

Kinabukasan, nagpunta nga kaming apat sa park at nagpicnic. May dala pa silang basket na may lamang mga pagkain like sandwich, juice at mga prutas.

Kahit papaano, naging maayos na ang pakiramdam ko. Buti nalang at naisip nang mga to na magpicnic. Ngayon ko lang naappreaciate ang fresh na hangin sa labas. Sa tagal ko ba namang manatinili sa hospital, feeling ko ma'suffocate na ako sa amoy dun. Kaloka!

At dahil maayos na ang pakiramdam ko, balik sa dating gawi.

"Secret.." tawag ko sa kanya na busy sa paglamon.

"Hmm?" Sagot naman niya at tumingin sakin.

Ngumisi ako kaya napasimangot siya. Mukhang alam na niya na may binabalak ako.

"Kita mo yun?" Tinuro ko yung sweet na magbf sa may bench. Sa sobrang sweet nila, ang sarap tapunan ng sako-sakong langgam.

"Ano na naman yan Panget?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Dare lang naman. Puntahan mo yung dalawang yun at ipaghiwalay mo. Tutal naman, forever doesn't exist. So, patunayan mo ang ganda mo sa kanila" I said and flashes my evil grin.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon