Round 40

7.6K 223 20
                                    

Chapter 40

~*~


"Tuloy kayo. Halika.."

Sambit nang isang babaeng nasa middle age pa ata. Pero halata sa mukha nito ang mga wrinkles na nagpadagdag ng edad niya. Kung aayusan lamang siya, siguradong aangat ang ganda nito. Gandang minana ni Secret.

Nakita niya kasi kami sa tapat ng bahay niya. At kilala pala niya si Zake kaya pinapasok niya kami. Maliit lang at gawa sa kahoy ang bahay nila. Pagpasok namin, nagulat ako sa rami nang batang babae na nakita ko. Jusko! Bahay ampunan ba to?

"Umupo kayo." sabi nito sabay ayos sa magulo niyang buhok.

"Julie! Bumili ka nga ng yelo at juice dun" utos niya sa isang bata na agad namang sumunod.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay nina Secret. Maliit lang talaga. I don't think makakatagal ako sa lugar na to na walang tumutubong kung ano sa katawan ko. Yung kusina nasa tabi ko lang. At gustuhin ko mang takpan ang ilong ko dahil sa nakakasulasok na amoy na hula ko dahil sa kanal dun sa labas, hindi ko nalang ginawa. Mukhang mataray yung nanay ni Secret eh. Ayoko munang gumawa nang gulo. Pero hindi ba sila nagkakasakit sa amoy na yun?

"Zake hijo, pasensya na at nakaganito lang ako. Hindi mo naman sinabing darating ka. Nakapaghanda pa sana ako." Nakangiting wika nito kay Zake.

"Ayos lang po" Ngumiti rin si Zake

"Akala ko pa naman si Secret ang tipo mo. Di mo sinabing..." sabi nito sabay tingin sakin.

Aba't!! May pinagmanahan ang lokang Secret na yun ah. Ang sarap sumagot pero buti nalang naunahan ako ni Zake.

"Kaibigan ko lang po siya. Saka si Secret rin po" sabi niya.

"Ay ganun ba? Eh gusto ka ng anak ko eh. Sigurado yun. Pero ano nga pala ang sadya niyo? Hindi pa rin umuuwi si Secret dito." tanong samin

"Wala naman po. Naisipan lang naming dumaan." sagot ni Zake.

Mukhang OP na ata ako dito ah. Buti nalang dumating na yung pinapabiling juice. Hehehe. Hindi na ako mukhang display lang.

Nang kunin na ng nanay ni Secret ang dalawang baso nang juice, bigla siyang nagtanong.

"Ano nga pala ang pangalan nang kasama mo hijo?"

Bago pa makasagot si Zake, inunahan ko na siya. Ba't pa kasi si Zake pa ang tinatanong niya? Mukha ba akong pepe?! Hindi yung vagina ah. Aish! Erase! Erase!

"Yvonne. Yvonne Kate Fortez" sabi ko at nagsmirk kay Zake pero nagulat nalang ako nang biglang mahulog yung hawak na baso ng nanay ni Secret. Dahilan upang tumalsik ang ilang bubog sa paanan ko. Ramdam ko ang hapdi pero mas ramdam ko ang nakakatakot na tingin sakin nang nanay ni Secret. Para akong may malalim na kasalanang nagawa dahil sa titig niya sakin na agad rin namang nawala nang tanungin siya ni Zake.

"Ayos lang po kayo?" nag-aalalang tanong ni Zake saka tinulungang ligpitin yung nabasag na baso. Hindi sumagot yung nanay ni Secret dahil mukhang nabigla rin siya.

Bumaling naman ang tingin sakin ni Zake.

"Yvonne, may sugat ka" sabi niya.

Nakapalda lang ako kaya madali lang akong natalsikan ng bubog.

"Kaibigan niyo si Secret?" nabigla ako sa kakaibang tuno nang pananalita ng nanay ni Secret.

"Hindi po" sagot ko at sinalubong ang parang nanlilisik na tingin ng nanay ni Secret.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon