Round 53

5.8K 198 40
                                    

Chapter 53

~*~

Kahit may ilangang nangyayari sa pagitan nina Secret, Charles at Zake ay tuloy pa rin ang buhay namin. Pasok sa paaralan, kakain, matutulog, mag-aaral at iba. Kung dati araw-araw akong nakikipag-sagutan sa mga studyante dito, ngayon iba na. Nag-iba na ang ihip ng hangin. Nagsawa na ata akong maghanap ng away.

Itong kay kulangot na ang huling gagawin ko.

May practice ako sa pagrampa tuwing uwian.

At bakit ko nasabing, nag-iba na ang hangin? Hindi ko na masyadong pinapansin ang mga bulungan nila kung bakit ako sasali. Sabi pa nila, pagandahan ang contest hindi para sa panget.

Dahil medyo nagbago na ako, isang stanza nalang ang sagot ko.

"Patalinohan rin naman ang contest eh. Hindi para sa mga bobo" muntik na akong masampal ng isang babae dun. Buti nalang to the rescue si Richard my loves!

Lagi niya akong pinagsasabihan na wag nalang pansinin yung mga sinasabi nila. Pero kung ikaw ang tatanungin, kaya mo bang baliwalain ang mga masasamang puna nila sayo? Syempre idedefend mo yung sarili mo diba? Bobo rin nitong gorilla na to.

Plano ko pagkatapos ng contest, talo man o talo, gusto kong magbonding kaming lahat. Kasama si Zia. Kahit paano raw ay gumaganda raw ang lagay ni Zia sabi ni Zake. Magandang balita yun. Si Secret naman, alam kong unti-unti niyang tinatanggap ang katotohanang hindi na babalik si Zake sa kanya. Ang tanga rin naman kasi. May pagkakataon na siya nun dahil nagconfess na sa kanya si Zake, may palayas-layas pang nalalaman eh. Kaya heto, nganga si ateng.

Si Charles naman, palihim pa ring tinititigan si Secret. Kung nakakapatay lang ang titig, baka 40 days na ni Secret ngayon.

"Hindi ka ba kinakabahan sa contest Panget?" tanong ng bruha sakin.

"Syempre kinakabahan rin." sagot ko habang nakatitig sa ceiling ng room ko dito sa bahay-bahayan namin.

Pareho kaming nakahiga at nakatingin sa kisame.

"Pero para atang hindi ka naman kabado." sabi niya

"Hindi lang halata. Pero nanginginig na ako ah" napatawa kaming dalawa ng mahina

"May nag-iba sayo Panget" tumingin siya sakin

"Ano?" tinaas ko ang kanang kilay ko

"Ang ugali mo" sambit niya

Pumikit ako saglit nang may naalala ako.

"Huy panget. Mamamatay ka na ba?!"

Napamulat ako at agad na binatukan si Secret.

"Iniwan ka lang, ganyan ka na magsalita ah!" pang-aasar ko sa kanya.

"Che! Ganito naman talaga ako magsalita eh" sabi niya habang hinihimas ang batok niya.

"Secret, imake over mo kaya ako?" nakangising sabi ko.

Ngumisi rin siya.

"Sige"

Pagkatapos ng ilang minuto.

Sheeyyytt..

Hindi na ako nasanay sa bruha. Warning na pala yung ngisi niya kanina. Ayan tuloy, nagmukha akong clown na parang baklang hindi nabenta sa bar.

"Walang kang talent sa fashion Secret. Kala ko ba model ka?!" pagalit na sabi ko pero natatawa ako sa mukha ko sa totoo lang.

"Shunga! Sinabi ko lang yun para hindi mo basagin mukha ko"

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon