Round 31

8.6K 307 68
                                    

Chapter 31

~*~



"Bakit hindi mo sinabing ikaw ang nagligtas sakin ah?!" Bulyaw ko at binato siya ng unan.

Nakailag naman siya't kumunot ang noo.

"Ano?! Idedeny mo? Andito ka na kahapon, hindi mo pa sinabing 'Yvonne, ako ang nagligtas sayo. Ako ang superhero mo'." I said.

Pinagbabato ko siya ng unan pero lagi naman siyang nakakailag. Wala si Dadi at Mami eh. At siya pa talaga ang pinabantay sakin. Wala siyang kasama ngayon. Wala si Zake at Charles.

"Ano namang magbabago kung sabihin kong ako?" Nakakunot noong sabi niya.

Wala na akong maibato eh.

Nakakakilos na rin ako. Wala na yung cervical collar sa leeg ko.

"Shunga ka! Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo?! Eh kung yung kotse mo ang mahulog sa bangin?!" Sigaw ko.

Tumawa naman siya ng mapakla.

"Ako pa ngayon ang may ginawang delikado? Eh ikaw? Hindi ba delikado ang ginawa mo?!" Seryosong tanong niya.

Napaiwas naman agad ako ng tingin.

"Gusto ko lang magpasalamat..." mahinang sabi ko.

"What? I didn't hear it" nakangising sabi niya.

Takte!

"S-salamat.."

"Again?" He said

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sorry. I don't repeat my words." Sabi ko.

"CBU..." wika niya.

"Will you stop calling me Cebu?! Hindi ako tatakbong mayor ng Cebu ah? At isa pa, tapos na ang eleksyon" Iritado kong wika.

Kinawayan ko naman siya papalapit sakin at hindi ako nagdalawang isip na tignan ang braso niya. May mga sugat nga siya pero hindi naman malala. Mas malala pa rin ako. Pero sinuri ko ang mga sugat niya kahit may band aid na. May isang sugat na dalawang band aid ang nakalagay kaya tinanggal ko ang kalahati para makita at napakunot noo ako nang makitang malalim ang sugat niya.

Tinignan ko siya nang masama. Tas pinaabot ko naman sa kanya yung mga cotton, betadine at isang masking tape. Inayos ko ang mga sugat niya, instead mga band aid, nilagyan ko muna nang betadine yung cotton saka nilagay sa sugat niya. Ramdam ko naman yung reaction niya sa ginagawa ko kaya hinihipan ko nalang para hindi humapdi.

"Hindi mo dapat pinapabayaan ang mga ganitong sugat. Paano kung magkapeklat ka? Sus! Wala nang mukhang gorillang slave ko" I said. Patapos na rin ako sa pag-aayos nang may sabihin siya pero hindi ko narinig.

"Ugly, wag mo nang ulitin iyon. Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan sa ginawa mo."

"Talaga?" sabi ko saka tinaas ang tingin, hindi ko alam na ang lapit na pala ng mukha niya sakin. Pero sinuri ko nalang ang mukha niya kung may sugat kaysa maglandi ako at makipagtitigan sa kanya. 

Hinawi ko ng marahan ang buhok niya sa may noo. May maliit na sugat. Kukuha na sana ako ng cotton pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatigil ako. 

Ang lamig ng mga kamay niya. 

Napatingin ako sa kanya.

Ang lalim ng mga tingin niya sakin.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon