Round 15

10.2K 449 87
                                    

Chapter 15

AN: Hi guys! Sorry ngayon lang ang update. At sana maintidihan niyo ang update ko ngayon. Hahaha! Another kalokohan na naman itey ng magaling kong bida. Sige. I hope you enjoy. Hehehe.

~*~

Yvonne POV

Nakamasid ako sa kilos ni Secret. Maghapon niyang hindi kinakausap si Zake pati kahapon saka nung nakaraang araw. Iniiwasan niya ito.  Ni hindi rin siya nagsasalita. Andito lang siya sa private place ko para lumamon. Wala ba silang pagkain sa bahay?! Kung makakain to kala mo hindi pinakain ng isang buwan! Hoy! Kapal ng babaeng to! Wala nga siyang naicontribute sa laman ng ref na yan eh.

"Hoy epal! Ba't lamon ka ng lamon jan?!" I asked.

Kaming dalawa lang ang nasa kusina. Naglalaro kasi ng Xbox ang tatlong kulukoy. Hehe. Kala mo walang pasok no? Hehe. Ganyan ang mga mayayaman. Kaya kung hindi ka mayaman, hala magtiis ka!

"Malamang gutom!" Sagot niya na puno parin ng pagkain ang bibig. Napapaspas tuloy ako sa braso ko dahil sa mga tumalsik na pagkain mula sa bunganga niya.

"Hoy! Hindi ka ba naturuan ng nanay mo na bawal magsalita habang puno ang bunganga!?" Bulyaw ko.

Uminom muna siya saglit saka nagsalita na may kasamang death glare.

"Saan namang batas nakalagay ang sinasabi mo?! Saka kasalanan mo! Kita mong kumakain, tanong ka ng tanong! Bulag lang?!"

I gritted my teeth saka mataray siyang tinignan.

"Wala sa batas ang sinabi ko. Pero merong batas tungkol sa pagnanakaw ng pagkain nang harap-harapan. Gusto mong sa korte na tayo magkita?" Mataray kong sabi sa kanya.

"Tsk" hindi na niya ako pinansin.

Nganga ka ngayon!

"Guluhin na nga natin yung tatlo" anyaya niya matapos niyang kumain. Yan. Ganyan siya madalas. Change topic 'pag nabara.

Nauna na akong maglakad papunta sa room nang tatlo. Naiinis parin ako hanggang ngayon dahil hindi parin nila inaayos ang building. Dapat may pink dito. Pink doon. Tapos purple naman dun. Green rito. Blue naman doon. Pero ni isa, wala pang kumikilos. Wala pang nagbabago. Ang boring parin ng paligid. Nakakabored.

Naabutan ko silang tatlo habang naglalaro ng xbox. The two are having fun while Charles is just reading a book. Ang boring talaga ng buhay ng isang yun.

"Laro tayo, Yvonne!" Yaya ni Zake sa'kin.

Napaka-smiley talaga ng isang to. Kulang nalang mapunit ang bibig niya sa kakangiti.

"Maglalaro ako kung si Richie ang kalaban ko" mataray na sabi ko sabay taas ng kanang kilay ko.

"Tsk. Asa ka namang mananalo ka" bulong ng gorilla na rinig na rinig ko naman--I mean kaming lahat.

"Bet?" I said then smirked.

"Game." Sagot niya agad.

"Kapag nanalo ako, we'll go shopping. Kapag nanalo ka, we'll go shopping too." I said.

"Tsk. Nagbet ka pa" he murmured pero again narinig ko naman. Di ba to marunong bumulong na hindi ko naririnig?

"Patapusin mo muna kasi ako! Kapag nanalo ako, shopping tayo. Ikaw ang magbabayad. Kapag nanalo ka, shopping rin tayo pero ako ang magbabayad" I said then look at Secret.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon