Round 46

6K 202 11
                                    

Chapter 46

~*~

"Secret..? Magpakita ka na! Hoy! Bruha!"

"She's not here, Yvonne" sambit naman ni Zake na busy sa phone.

"Malay mo naging invisible siya diba?"

I know I'm saying nonsense pero hindi niyo ako masisisi. Ayoko sa mga ganitong usapan eh. May maglalayas na wala man lang paalam? Argh! I'm insane.

May naglalayas bang nagpapaalam?

Aish!

Pero mas pinalala lang niya ang sitwasyon eh.

"Ugly, maupo ka nga muna. You're so annoying" sita sakin ni gorilla.

Palibot-libot kasi ako. Tinitignan ko lang kung may nawalang gamit. Baka tinangay na nung Secret na yun eh. Mahirap na.

Nag-grimmace lang ako.

Si Charles nga pala nagmomomment dun kay Zia. Langya talaga! Ba't ba hindi matuloy-tuloy ang punta ko kay Zia?

Nang buksan ko ang isang drawer dun malapit sa pinto ng room ni Secret, may nakita akong envelope. Pera agad ang naisip kong laman nun o di kaya droga. Hehehe. Pero pagbukas ko, isang papel lang ang nakita ko.

Ano ba naman ang silbi nito?

Pinunit ko nalang tutal basura to.

Malapit ko nang mapunit lahat sa maliliit na piraso pero napatigil ako nang may makita akong Secret.

I think sulat ata to?

May nalalaman pa talagang kaekekan si Secret ah?

Lumapit ako kay Zake at pinakita sakanya ang pira-pirasong papel na hawak ko.

"Ano yan?" he asked.

"Papel malamang!" sarcastic na sagot ko

"Eh bakit mo binibigay sakin?" mukhang naiirita na siya.

"Sulat ni Secret. Hehehe" ngumiti pa ako.

"Bakit punit?" tanong niya pero agad rin naman niyang tinanggap.

"Ewan." sagot ko at umupo ako sa tabi ni gorilla.

Sinubukan namang ayusin ni Zake ang papel pero masyadong maliliit ang pagkapunit ko.

"You're a liar" bulong ni gorilla sakin.

"I know right!" I said and rolled my eyes heavenwards. Alam ko naman. Psh!

Matapos ang ilang minuto, hindi pa rin niya nabubuo ang sulat ni secret kaya napahilamos nalang siya sa mukha.

"Zake, hahanapin nalang namin ni Secret." Sambit ni gorilla

"I'll help" sabi niya.

"No. Their is someone waiting for you. Kami nang bahala sa paghahanap kay Secret" nabigla naman ako sa sinabi ni gorilla.

Does he mean, magkikita na ngayon sina Zia at Zake?

"Tol, I have to find Secret. Pagsisisihan ko habang buhay kapag hindi ko na siya nakita"

"Mas pagsisisihan mo habang buhay kapag hindi ka nagpakita sa kanya. Zake..habang may oras pa..." hindi natuloy ni gorilla ang sasabihin at inabot nalang ang isang papel na may address ng hospital na nakaconfine si Zia.

Tinanggap ni Zake ang maliit na piraso ng papel at napakunot noo nang basahin ito.

"Room 216" huling sabi ni gorilla bago ako hilahin palabas.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon