Round 49

6K 212 48
                                    

Chapter 49

AN: Sa mga humula nang mangyayari, may isang tumugma. Kaya I dedicate this chapter to @KathleenNieto2. PLEASE PLAY THE VIDEO IN THE MULTIMEDIA HABANG NAGBABASA. ^_^

~*~


Zia POV


"May pupuntahan lang ako ah. Dito ka lang." wika ni Charles saka ngumiti.

Para namang nagpapaalam si Charles sa bata. Pero parang bata naman talaga ako mag-isip kaya parang bata rin ang turing niya sakin.

"Okay. I'll just wait for him..." sagot ko at ngumiti rin

Andito ako ngayon sa hospital garden. Nakakahiya man na dito pa kami magkikita pero wala na akong magagawa. Gusto ko sana sa isang magandang lugar kami magkita, hindi dito sa hospital.

Nang mawala na sa paningin ko si Charles, napahinga naman ako ng malalim.


I look at the time, it's 3:24 pm.


Para mawala yung kabang namumuo sa dibdib ko, ngumiti nalang ako.

Inimagine ko kung ano yung magiging reaction naming dalawa kapag nagkita na kami. Ngingiti kaya siya o iiyak dahil andito ako sa lagay na to? Maiiyak rin kaya ako kapag nag-usap na kami tungkol sa sakit ko?

Dapat ko bang sabihin sa kanya? Pero sabi ni Charles, dapat ko talagang sabihin sa kanya. Kaso ayokong mag-alala siya. Ayokong malungkot siya. Kahit ngayong araw lang. Gusto ko siyang makitang masaya. Hindi ko nalang muna babanggitin ang tungkol sa kalagayan ko.

Hindi na nga ako nagwheelchair para isipin niyang malakas pa ako at kaya ko pang maglakad. Ipinagdadasal ko nga na sana magkaroon ako ng lakas ngayon at hindi sumpungin ng sakit. Ayoko mang sabihin pero katawan ko na yung bumibigay minsan.

Pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit sa araw na to, nakayanan kong umupo sa bench na ito at hintayin ang taong miss na miss ko na. Malaking bagay na to sakin.

Para naman may gawin ako habang naghihintay, kumanta na lang ako ng paborito kong kanta. Hindi to gusto dati ni Zake pero dahil sa paulit-ulit kong pagkanta nito, mukhang nasanay na rin siya. Lagi pa nga niya akong sinisita tuwing kumakanta o kahit naghhum lang. Uulan daw kasi. Pero kahit irita na siya, tumatawa lang ako. Tingin niya tuloy sakin, pinagtatawanan ko lang siya.


You and I

We're like fireworks and symphonies exploding in the sky

Sa dalawang line pa lang, bumalik na naman ulit ang mga alaala ko na kasama siya.


Unang tingin ko dati kay Zake, walang patutunguhan ang buhay niya. Laging mga babae ang kasama eh. Akala ko nga dati bakla siya dahil friendly siya sa babae. Hindi ko man siya gustong pansinin dahil gusto ko lang magfocus sa studies ko--eh hindi ko magawa. Kahit sa storage room ka siguro mapunta, maririnig at maririnig mo ang pangalan na Zake Walter.

Kulang nalang si Zake ang ilesson ng mga teachers eh. Siguradong ako lang ang babagsak nun.

And I didn't expect na isa nga ako sa mahuhulog sa kanya.


With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon