Round 50

6.7K 202 84
                                    

Chapter 50

~*~

Yvonne POV

Kapag may problema ang isang tao, problema niya yun. Wag kang pakealamero. Wag kang magpakahero na tulungan sila. Dahil madadagdagan lang rin ang problema mo kapag nakialam ka pa. Ayos lang naman tumulong pero bago ka makialam sa iba, siguraduhin mo ring kaya mo.

Pero paano kung kaibigan mo na ang nagkaroon ng problema. Syempre handa kang tulungan siya kahit ano pa yan. At makakaasa ka pang kapag ikaw naman ang may pinagdadaanan, tutulungan ka niya.

Sa mga nagdaang araw, I saw the real definition of love.

Hindi nga talaga madali ang pesteng pag-ibig na yan, na kung nahanap mo na hindi ibig sabihin na yun na talaga.

Kailangan mo pang magsakripisyo, magparaya, lumaban, magdesisyon, and many more to mention. chos!

May pinagsamahan rin kami ni Secret dahil kahit papano, hindi kami nagplastikan. Kaya gusto ko sana siyang tulungan. Hanap ko siya ng kano na jowa. Di joke lang!

Pero yung mama niya, baka ihanap ko yun.

Ano kayang nakain ni Zake at naisipan pa niyang pumunta sa resto at kausapin si Secret, eh sasaktan lang pala niya. Hindi nalang sana siya nagpakita para hindi na umasa si Secret.

Kita ko naman kung gaano kasaya ang bruha ng makita si Zake.

Akala niya siya ang pinili.

Akala niya siya ang nanalo.

Akala lang pala niya yun.

Assumera eh.

Dahil sa nangyaring yun, hindi ko na alam kung paano gumalaw o kumilos kung sina Charles at Secret ang kasama. Minsan kasi napapatulala si Secret at parang hangin nalang ang kausap ko.

Kahit magtaray ako, wala lang silang kibo. Para silang mga zombie. Hindi ko sila makausap ng matino.

Kung si Gorilla naman, wala rin. Kailan ko pa ba nakakwentuhan ang lokong yun?

Para makahanap ako ng makakausap, hinanap ko nalang si Michelle. Nakita ko siya sa volleyball court at nagppractice.

"Michelle, may naghahanap sayo" sabi sa kanya ng isa niyang kasama at itinuro ako.

Tumingin naman siya sa direksyon ko at tinaasan ako ng kilay.

"Here's the bitch" she said and rolled her eyes.

"Asan? Nasa salamin?" Sarcastic na sabi ko.

Umupo naman ako sa bleachers. Nakasunod lang ang tingin niya sakin.

"Go. Ipagpatuloy niyo lang yang...boring niyong laro" mataray na sabi ko at inemphasize pa ang word na boring.

"What did you say? Boring?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

Napakamot naman ako sa ulo ko. I think magkakakuto ako sa batang paslit na to eh. Ang bingi eh. Pasalamat siya't naisipan ko siyang puntahan. At least nagkaroon ulit siya ng scene sa kwento ko.

Hindi ko na siya sinagot at nagroll eyes nalang ako.

Himala at hindi niya ako sinugod. Kalmado ata siya ngayon.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon