Round 51

6.2K 185 23
                                    

Chapter 51

~*~

Third Person's POV

Nasa may tahimik na lugar nakatayo ang isang babaeng nasa edad 45 pataas. Halata na ang mga wrinkles nito pero hindi pa rin natatakpan ang kagandahang taglay. Tila may hinihintay at halatang nauubos na ang pasensya nito.

"Putang*nang babae yun!" iritadong wika nito at napasabunot pa sa sariling buhok.

Ilang minuto pa ang nagdaan kaya napagdesisyonan na niyang lumiban subalit iyon rin ang pagdating ng isang magarang kotse. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa taong lumalabas sa kotse.

"I'm sorry for being late again" wika ng babaeng kakalabas lang ng magarang kotse.

Sa simpleng ayos ng babaeng kakarating lang ay mahahalata na dito ang karangyaan. Sa makinis pa lang nitong mukha at balat, masasabi mo nalang sa sarili na hindi ito gumagawa ng gawaing bahay.

Pinaikot naman niya ang mata niya na parang sawa na sa laging dahilan nito.

"Yung pera!" Hindi na siya nagdalawang isip na sabihin yun. Tutal yun rin naman ang dahilan ng pagpunta niya.

Nakabukas na ang palad niya sa harap ng babaeng kausap. At hindi naman siya nadismaya dahil agad rin nitong inabot ang pera sa kanya.

"Sigurado kang kasya na to ngayong buwan ah?" sabi niya habang binibilang ang ilang libo sa loob ng sobreng hawak.

"Just call me if hindi pa sapat. Wag na wag lang kayong magpapakita sa pamilya ko, lalo na ang anak mo" seryosong may halong pagmamakaawang sabi ng babae.

Isang sarkastikong ngiti lang ang tugon ng babaeng binibilang ang laman ng sobre.

"I'll go ahead." sabi ng babaeng nagngangalang Ynna Smith Fortez at muli na sanang sasakay subalit bigla itong napatigil ng magsalita siya.

"Pero mapaglaro ang tadhana minsan, Fortez"

"What do you mean?" Nakakunot noo nitong tanong.

"Pangalan niya'y Yvonne, tama?" Tanong pabalik niya kay Mrs Fortez na naging dahilan upang manlaki mata nito.

"How--"

"--Sikat ang anak mo eh. Baka nakakalimutan mong anak yun ng isang business tycoon. Nabasa ko lang sa mga artikulo nung nagdaang-araw, wag kang mag-alala" nakangising sabi niya.

Hindi naman mahanap ni Mrs Fortez ang mga tamang salitang sasabihin sa kausap. Hindi niya maintindihan subalit may kutob siya sa sinabi sa kanya ng babaeng nagngangalang Stella.

"Stella, I'm warning you. Stay. Away. From. My. Family." huling salita niya at sumakay na sa kotse.

Napatsk naman ang babaeng nagngangalang Stella.

"Sabihan mo ang anak mo nyan." wika niya habang nakatingin sa papalayong kotse.

Nais sana niyang sabihin kanina na nagpunta sa bahay nila nung mga nakaraang araw si Yvonne. Pero minabuti nalang niyang wag sabihin. Kahit papano, may karapatan ang anak niyang makilala ang mga taong dapat nasa tabi niya.


Yvonne POV

Beauty pageant.

Damn.

Kung hindi ko nalang kaya ituloy? Tutal mag-ii love you na naman si gorilla sakin eh. Chos lang. Paano kung hindi naman yun ang gusto niyang sabihin? Paano kung taliwas sa iniisip ko ngayon ang sasabihin sana niya? Katulad ng natatae na siya.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon