Round 3

16.2K 638 89
                                    

Chapter 3

"Meet me in the stadium after class. Be sure you'll come or else I will kill your pimples..." Mahinang basa ko dun sa letter na mula sa locker ko.

Aish. Hindi ba sila nagsasawang bigyan ako nito?! Tatlong beses na to ah. Nagawa pang pagbantaan ang pimples ko. Tsk. Pero hindi ako pumupunta at hindi parin ako pupunta.

Ililigpit ko na sana yun nang may biglang humila sa buhok ko dahilan para malaglag ang mga dala ko. Napangiwi naman ako ng bahagya.

"Fvck shyt kang babae ka! How many times do I have to tell you na pumunta sa stadium" sigaw ng babaeng hindi pamilyar sakin ang boses.

Kasalukuyan pa rin niyang hinihila ang buhok kong sinuklay ko ng halos dalawang oras!

"Bitaw." Kalmadong sabi ko nang medyo hindi na niya inaalog ang ulo ko.

"Hah! No fvcking wa---"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil inapakan ko ang paa niya dahilan para lumuwag ng kunti ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

Hindi ko naman sinayang ang oras dahil agad akong kumawala sa pagkakahawak niya at mabilis na hinila ang buhok niya at isinilampak ang pagmumukha niya sa locker.

Umaray pa siya sa ginawa ko pero halatang hindi na siya makakakilos. Sa sakit ba naman ng impact niya sa locker. Kikilos pa kaya siya?

May ngilan-ngilan namang nakatingin samin. Mga babae lang dahil locker room naman to ng babae.

"Unang una sa lahat." Panimula ko na may diin.

"Anong oras pa ba? Tapos na ba ang klase? Bobo ka ba o wala ka lang talagang utak? May relo ba sa bahay niyu? Ang sabi sa letter mo, pupunta ako pagkatapos ng klase. Pero ba't ang aga mo mang-abala? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagagalit sa mga halimaw na nangingialam ng buhok ko?!"

"Fvck you! Tatlong beses na akong---"

"Tanga! Ibig sabihin lang nun, hindi ako interesadong pumunta sa stadium na yan."

"A-aray...bitawan mo na ako. Yung mukha ko...Alam mo bang model ako? Idedemanda talaga kita kapag namaga tong mukha ko" medyo nanghihina na ang boses niya.

"Wala akong pake kung umabot tayo sa korte. Basta itong tatandaan mo.."

Lumapit ako sa may tenga niya.

"Kapag inulit mo pa ang pangyayaring to, iexpect mong magkakamukha na tayo"

Tumango naman siya.

"Oh siya. Pulutin mo na yang kalat. Saka ihatid mo nalang sa room ko yang bag at history book ko. Okay?"

Tumango ulit siya.

"Good girl. Ayusin mo yang pagliligpit sa locker ko ha. Mukha mo talaga ang magbabayad kapag may nagkulang jan"

Umalis ako dun na may ngiti sa labi.

Wala talagang makakatalo sa uglyious girl on fire na katulad ko.

Pagkarating ko sa room ko. I saw the devilish face of my handsome classmate named Richard slash feeling anime slash mukhang gorilla.

Hmm. I have a better idea-- no--a brilliant idea, perhaps.

"Can I sit here?" I ask the bitch na katabi niya.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"May vacant pa oh"

Tinaasan ko rin siya ng kilay.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon