Round 45

6.9K 219 32
                                    

Chapter 45

HAPPY 100k READS! ^_^

~*~

I heaved a sigh pagkatapos kong isipin ang lahat ng sinabi ni Gorilla sakin.

Tungkol yun sa nangyari kina Zake, Charles at Secret.

I can't believe na love triangle pala ang tatlong yun.

Nag-assume pa naman ako kay Charles. Paasa ang lalaki yun. Langya! Pero siguro ganun na talaga siya makitungo sa lahat. Ako lang ata ang assuming. Hehehe.

Pero hindi ko pa talaga naddigest ang lahat nang nangyari eh. Sinuntok ni Zake si Charles. At sinuntok naman ni Gorilla si Zake para tumigil. Aba't! May nangyari palang ganun?

Grabe lang.

May nangyari na palang ganun tas hindi ko man lang naalala.

Pero kamusta na kaya si Zake at Charles? Wala akong pake kay Secret kaya hindi ko kakamustahin yun. Ang haba lang kasi ng hair niya. Psh! Ako ang bida dito tas siya ang hinahabol? Tsk!

"Now that you know everything. Anong gagawin mo?" tanong sakin ni gorilla.

"Kumain ng popcorn. Parang teleserye ang buhay nila eh." sagot ko.

Napakacomplicated nang buhay nila. Ayoko nang makialam. Ang kaso...pakealamera ako.

"Nasabi mo na inagaw ni Charles si Zia kay Zake noon, diba?" tanong ko sa kanya dahil nabanggit niya kanina si Zia at parang may naisip ang utak kong brilliant mag-isip.

Andito nga pala kami sa bahay-bahayan namin. Pero kaming dalawa lang. Namiss ko tuloy yung dati na sobrang ingay ni Zake at sisitahin naman siya ni Secret. Kahit papano namiss ko lahat nang alaala namin dito sa building na to.

"Yeah? Pero hindi ko alam ang buong nangyari noon eh." sagot niya.

Napaisip naman ako sa sinabi ni gorilla. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari noon. Kung tatanungin ko man si Charles o Zake, alam kong hindi sila sasagot nang matino. At isa lang ang makakasagot ng tanong ko. Si...

Google.

Di biro lang.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Nagpunta na kami agad sa bahay nang pinagmamalaki ng lokong si Zake na bahay daw ng first love niya.

"Bakit tayo andito?" tanong sakin ni gorilla.

Hindi ko na siya sinagot dahil nakalimutan kong magtoothbrush kaninang umaga baka mahimatay na siya nang tuluyan. Di joke lang no. Nagdoor bell na ako agad. May lumabas namang katulong na mukhang si damulag na girl version. Tinanong niya kami kung anong pakay namin. Gusto ko sanang mang-asar muna at sabihing hinahanap namin si doraemon pero sa susunod nalang. Saka na kapag friendship na kami ni Zia at pwede ko nang akitin si daddy dingdong niya. Choss lang!

"Nandyan ba si Zia? Kaibigan niya pala kami" tanong ko.

"Ai! Wala po ma'am." sagot naman niya.

"Nasaan siya?" Baka may shooting.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon