Round 16

10.4K 375 53
                                    

Chapter 16

AN: Si Charles Clinton nga pala nasa media. Hope you enjoy!

~*~


Yvonne POV


"Anong amoy ang kasing amoy ng patay na daga, panes na pagkain--!"

"Subukan mong ipagpatuloy yan! Makikita mo ang hinahanap mo!!" I said. Bwisit kasing Secret! Kailangan pang ulit-ulitin yung nangyari nung nakaraang araw!

Kitang puputok na ako kapag may nagbanggit lang ng TAE! Bwisit!! Bakit kasi kailangang mangyari pa yun?! Malas talaga ang Richard na yun!

Minalas rin ako ngayon eh. Nasa mall kami at bigla nalang rin akong dinatnan ng bwisit na dalaw kaya kasama ko si Secret dito sa restroom. Nasa labas naman yung tatlo. Manlilibre sila dahil ako yung panalo. Hahaha! May advantage parin yung nangyari.

Paglabas namin, dumiretso kami sa bench ....para umupo (Korny). Hindi nga kami nagkasya dahil ang lalaki ng pwet ng tatlong kalabaw kaya sila nalang yung pinapili ko ng damit na gusto ko. Nakaupo lang ako dahil masakit ang sinapupunan ko. Kairita!

"Si Secret" tipid kong sabi nang ipakita nila sakin ang mga damit na pinili nila.

"A-anong ako?" Nagtatakang tanong niya.

Kainin mo! Sus! Ang sarap sabihin! Kung hindi lang masakit tong puson ko.

"Isukat mo! Tanga!" Bulyaw ko.

She rolled her eyes saka kinuha yung mga damit at pumasok sa isang cubicle.

"Bilisan mo!" Dagdag ko.

Tumabi naman sakin si Charles sa kaliwa kaya napausog ako ng kunti palayo. Nakadekwatro pa naman akong nakaupo. Ang awkward lang. Pero nung pag-usog ko, braso naman ni Richard ang nabangga ko sa kanan. Letchugas talaga ang taong to.

"Brad, paupo naman" si Zake naman na biglang tumabi sa gilid ni Richard kaya tuluyan akong napausog sa direksyon ni Charles. Letchugas! Nakalean pa naman yung braso niya sa likod ng bench kaya para kaming...

"SINONG MAY SABING UMUPO KAYO...?" Mahina pero may diin na sabi ko saka tinaasan ng kilay ang aswang na katabi ko sa kanan.

"Hmm" He just ignore me.

"Alis" tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag.

"Hoy! Magbabangayan lang ba kayo jan? Hindi niyo ba titignan tong damit?!" Saka ko lang napansin si Secret. Nakalabas na pala siya.

"Ikot." Hindi ko nalang pinansin si Richard.

Umikot naman si Secret.

"Ikot pa" sabi ko ulit.

Umikot ulit siya.

Tanga talaga ng babaeng to.

"Ikot ka pa" ulit ko.

"Pinaglalaruan mo lang ba ako?" She said.

"Gusto ko yung damit pero hindi ko gusto yung nagsusuot. Palitan mo yan" I said.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon