Round 48

6.4K 193 71
                                    

Chapter 48

AN: Dedicated ang chapter na to kay @imabestliar. I appreciate your comments ^_^ mas ginaganahan akong sumulat.

~*~

Secret POV

Nagdadalawang isip ako sa gagawin ko.

There is a part of me that doesn't want to face him. Dahil natatakot ako sa maaaring marinig ko sa kanya.

But another part wants to face him dahil umaasa akong mali ang sinasabi nina Yvonne at Richard.

I want him to tell me na mahal niya ako hindi dahil sa nakikita niya sakin si Zia.

Hindi ko alam kung bakit ko gustong mangyari yun. Umalis na nga ako palayo sa kanila dahil ayokong may masaktan. Pero heto ako ngayon, umaasa na ako yung piliin ni Zake. Sana nakalimutan na niya si Zia tutal matagal na yun.

Sana nanatili muna ako saglit. Hindi ko alam kung may babalikan pa ako.

"Secret, wag kang mag-alala kung hindi ka piliin ni Zake. May Charles ka rin naman eh." tinaas baba pa ni panget ang kilay niya at ngumisi.

"Haba naman kasi ng hair mo" dagdag niya.

Bumabyahe kami pabalik ngayon. Bukas ko haharapin si Zake. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero bahala na. Nasabi na ni Richard na makikipagkita ako sa kanya bukas around 3 ng hapon.

"Secret? Ayos ka lang?"

Nang tignan ko ulit si Panget, nawala na yung nakakaasar niyang mukha. Napalitan na ito ngayon ng pag-aalala.

"Wag nalang kaya?" sambit ko.

"Ano ba yan! Lutang ka preyn?!" sarcastic na sabi niya.

Mukhang hindi ko ata nasagot ang tanong niya.

"Dapat mong gawin to. Para kay Zake." sambit naman ni Richard habang nagmamaneho.

Napahinga nalang ako ng malalim. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pa nga kami nagkikita, umaatras na ang mga paa ko. Nanginginig na ang tuhod ko.

"Nakita ba niya?" tanong ko

"Alin?" tanong pabalik ni panget.

"Y-yung...yung sulat. M-may nabasa ba siyang sulat?" mahinang sagot ko

"Ano ba ang meron sa sulat mo?" tanong ulit ni Panget pero hindi ko na siya sinagot.

Masyadong personal. Saka nagconfessed lang naman ako dun. Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin doon na hindi ko masabi-sabi kapag magkaharap kami. Kahit ilang beses pa akong maasar sa kanya, hindi mapapantayan nun ang saya kahit anino lang niya sapat na.

Natahimik sa loob ng kotse kaya bigla akong kinutuban.

"Panget...?"

"Nakita niya bruha! May pasulat sulat ka pang nalalaman! Psh! Korny!" nagcross arms pa siya.

"Anong reaction niya?"

Hindi ako mapakali eh.

"Sabi niya edi wow! Rock n roll!" nasapak ko siya dahil sa sinagot niya.

"Hehehe. Ang totoo, malungkot siya." sagot niya.

Malungkot?

He's sad after I said I love you?

Ginawa ko yun dahil umaasa akong hahanapin niya ako. Hindi ko inakalang malulungkot siya. Siguro dahil mas mahal nga niya si Zia. Akala niya wala akong nararamdaman sa kanya kaya nalungkot siya dahil meron.

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon