Round 37

7.7K 231 37
                                    

Chapter 37

~*~


"Swimming?!"

Gulat na sambit nang dalawang kulokoy na kasama ko.

"Yvonne, mapapatay ka na ni Richard nyan. Sigurado ako. Siya na mismo lulunod sayo sa pool" sabi ni Zake

"Tahimik nga kayong dalawa jan. Baka may makarinig" sabi ko sabay silip sa bintana ng bahay-bayahan ko dito sa school.

"So hindi mo rin sasabihin to kay Richard?" Tanong ni Charles na nakacross arms pa.

"Sasabihin ko no---teka! Paparating na siya. Tahimik lang kayo ah? Mawawalan talaga kayo ng hanapbuhay kapag pinagsabi niyo" natatarantang sabi ko habang tinutulak sila pabalik sa dating mga posisyon nila kanina nang umalis si gorilla.

"Shh!" Pinandilatan ko sila ng mata saka umupo na sa dati ko ring posisyon.

Narinig ko nang pumasok si gorilla.

"Richard, may laban na naman si Yvonne/Pumayag siya kay Angel"

Napapikit naman ako nang marinig ang magkasabay na sumbong nang dalawang unggoy. Sana hindi ko nalang sinabi. Napatungo nalang ako nang tignan ako nang masama ni Gorilla.


~*~


"Ilang araw mo pinilit si gorilla na pumayag?" tanong ni Secret sakin.

Andito kami sa pool area ng school namin. Nagpaalam na kaming gagamitin namin to at kasalukuyan kong kausap si Secret habang nag-uusap rin sina gorilla dun sa kabila.

"Ewan. Siguro mga isang linggo rin yun. Nakakairita nga eh. Malapit na ang laban ko. Ang raming sinayang na araw si Gorilla." sagot ko.

"Bakit? Kailan ba ang laban mo kay Angel?" Nakakairitang tanong ni Secret.

"Three weeks from now." sagot ko.

"Ahh. Panget, tawag ka ohh." napalingon naman ako sa tinuturo niya.

Nakita ko si gorilla na nakatingin sakin. Naghand gesture siya na lumapit ako sa kanya pero imbis na lumapit ako, inirapan ko lang siya.

As far as I know, siya ang slave.

Umiling naman siya at lumapit sakin.

"Are you sure na kaya mo nang igalaw ang binti mo nang maayos?" tanong niya.

"Ilang beses ka ba pinanganak gorilla? Galing lang tayo ng doctor. Ang OA mo mag-alala ah--!"

Last week ko huling nagamit ang wheelchair na yun. Ngayon, pwedeng pwede na akong maglakad.

"Pag-ibig na kaya~"

Sabay kaming napatingin ni gorilla kay Secret na bigla nalang kumanta. Kala mo naman ang ganda ng boses. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero kaysa matakot, ngumisi lang ang bruha.

"Si Zake ang magiging coach mo. Marunong ka naman sigurong lumangoy no?" he asked.

"Oo naman! Anong tingin mo sakin? Psh!"

"Okay. Get ready in 5 minutes. Warm up ka muna" sabi niya at bumalik na sa gawi nung dalawang unggoy.

Pagkatapos kong mag-warm up, nagsimula na kami ni Zake.

"Zake, paano ako matutoto kung yang utak mo wala dito?!" sita ko sa kanya.

"H-huh?" sagot naman niya

Panget Vs. GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon