My Name is Mouse 2: Lost in an Island

5 2 0
                                    


"MOUSE!" Sabay yakap ni Juri sa akin nang malaman naming nasa iisang probinsya lang pala kami. Dito pala sila sa Panggasinan nagpunta para sa isang malaking event. Nagtinda sila ng ramen dito dahil na rin sa imbitasyon ng kamag-anak nila. Sakto nang makabangga ko si Hiro sa kalsada tapos sinama niya kami sa pwesto ng ramen house nila. Dahil narito na rin kami, pinatikim ko sa mga kasama ko ang masarap nilang specialty na ramen.

"Hindi ko kalaing magtatagpo tayo rito, Juri." Sama-sama kaming nakaupo sa mahabang upuan na magkaharapan. Nakahain ang masarap na ramen habang nakatayo si Juri hawak ang tray.

"Na-excite nga ako! Buti na lang at nagkabanggaan kayo ni Hiro kanina." Ngiti niya.

"Ay siya nga pala, si Jury. Jury si Ashley at boyfriend niyang si Jack."

"Ah! Siya iyong kasama mo noon sa ampunan, 'di ba?"

Tumango ako saka nagpatuloy. "Sila naman si Mister Finn at fiancé niyang si Miss Rosalinda at syempre si Theo."

Ngumiti si Jury sa kanila. "Hi! Kamusta po!" magalang niyang bati sa harap nina Mister Finn at Miss Rosalinda. Nayuko siya sabay bumulong, "A-Ang gwapo naman pala ng boyfriend mo. Mukhang artistahin silang kambal."

Ngumiti lang ako sa turan ni Jury.

"Jury! Masaya akong makita ka rito," bati naman ni Lyka.

"Lyka! Ako rin. Mukhang happy couple na talaga kayo ni France."

Umakbay si Lyka sa braso ni France, mukhang nahiya siya sa pabirong sabi ni Jury.

"Palagi kang kinukwento ni Mouse tuwing nagkaka-chat kami," sabi naman ni Ashley. "Mabuti at may kaibigan siyang nakakasama sa campus."

Biglang namula ang pisngi ni Jury sa hiya.

"May pagkamahiyain talaga si Jury lalo sa harap ng maraming tao pero masayahin siya at madalas palabiro."

"Talaga? Dapat sumama ka sa amin. Dumalaw ka sa vacation house namin para maki-bonding sa amin. Uuwi rin kasi kami sa U.S.A after ng bakasyon," paanyaya ni Ashley.

"Uhm... magpapaalam ako kung papayagan ako, marami pa kasing gagawin. Ang daming tao lalo't tatlong araw ang fiesta."

"Pagkatapos ng fiesta, susunduin kita," sabi ko.

Tumango si Jury.

"Ate! Ang daming order! Huwag kang tumambay d'yan!" Lumapit si Hiro, pinagsabihan ang ate niya. "Mamaya na ang tsismisan."

"S-Sorry, Mouse trabo muna."

Tumango ako saka nag-ba-bye.

Napansin ko ang tinginan ni Theo at Hiro. Para silang magkamag-anak na lion na ngayon lang pinagtagpo. Ang talim nang tingin nila sa isa't isa. Maya-maya'y umalis si Hiro at bumalik sa trabaho.

***

SA WAKAS natapos din ang tatlong araw na fiesta. Mabuti at hindi pa uuwi ng Maynila sina Jury. Pinayagan siyang bumisita sa vacation house kung saan kami nagbabakasyon. Kilala naman si Jury dahil naipakilala ko na siya noon sa kanila. Isinama ni Jury si Hiro para may alalay daw siya. Mataas ang sikat ng araw at sakto ang panahon para magtampisaw sa dagat.

Naglalaro kami sa buhangin nang dumating si Theo at Mister Finn.

"Guys! Pwede na kayong mamangka patungo sa kabilang isla," paunang sabi ni Mister Finn.

Nagtakbuhan kami patungo sa kanya.

"Dumating na ba Uncle iyong bagong speed boat?" tanong ni Ashley.

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now