The new principal

25 2 0
                                    


ISANG announcement ang kasalukuyang gingawa rito ngayon sa open ground ng school. Pagkatapos ng flag ceremony, hindi kaagad kami pinapasok sa kanya-kanya naming silid-aralan. Isang mahalagang anunsyo ang pinapahayag ngayon ng dating derektor ng school na Mrs. Lewis.

"Ipinapakilala ko ang bagong derektor ng Davies Samaritan Academy. Walang iba kundi ang aking bunsong anak na si Finn Lewis." Nagpalakpakan kami nang tawagin ni Mrs. Lewis ang pangalan ni Mister Finn.

Dahil matanda na si Mrs. Lewis, ibinigay na niya ang pamamahala ng school kay Mister Finn. Tumayo sa harap si Mister Finn, hawak ang microphone.

"Maraming salamat, Mama. Pinapangako kong gagampanan ko ang tungkuling ibinigay sa akin bilang bagong derektor ng minamahal nating Davies. Makakaasa kayo na lalo ko pang patataasin ang kalidad ng pagtuturo upang malamanan ng maraming kaalaman ang isipan ng bawat estudyanteng pumapasok dito. Sisiguraduhin ko rin ang kaligtasan nila. Nag-umpisa ang eskwelahang ito na walang prinsipal. Ngayon, magkakaroon na ng prinsipal ang paaralan na siyang makakatulong ko sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay." Humakbang ng tatlo sa tabi si Mister Finn. "Ipinapakilala ko ang bagong prinsipal ng Davies Samaritan Academy, si Mr. Augustus Mori."

Nagpalakpakan kaming lahat matapos tawagin ni Mister Finn ang pangalan ng bagong prinsipal. Ngayong araw magiging epiktibo ang pagiging prinsipal niya. Ngayon na rin siya magsisimula sa kanyang trabaho.

Habang nagsasalita sa harap si Prinsipal Mori, naalala ko si France. Hawig na hawig kasi silang dalawa. Pareho silang moreno at mukhang Indiyano.

"Maraming salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin. Makakaasa kayo na pagbubutihin ko ang trabahong ibinigay sa akin. Sisikapin ko sa abot ng aking kakayahan na matulungan ang paaralan sa ikabubuti nito."

Nagpalakpakan kaming lahat matapos siyang magsalita.

Natapos ang anunsyo. Pinabalik na kami sa aming silid-aralan. Habang naglalakad kami sa hallway napansin ko si Mama sa kabilang dulo. Nakatingin siya sa ibaba ng hagdan na parang may hinihintay.

"Mouse, tara pasok na tayo," aya ni Ashley.

"Sige, susunod na ako." Dumeretso ako sa kinaroroonan ni Mama.

"Mama!" tawag ko nang ibaling niya ang pansin sa akin.

"Oh, Mouse. Pumasok ka na sa klase, magsisimula na ang first period," aniya.

"Erina!"

Napalingon kami ni Mama nang tawagin siya ng bagong prinsipal? Nakangiti sila sa isa't isa na parang matagal nang magkakilala. Nakasuot siya ng semiformal attire na pang opisina ang dating. Mukhang mas matangkad sa kanya ang anak niyang si France. Itim na itim pa rin ang buhok niya't malinis ang mukha. Ahit ang bigote at balbas niya. Makapal ang kilay at mahaba ang pilikmata. Kuhang-kuha talaga ni France ang hitsura ng tatay niya. May malalim siyang boses at tindig kagalang-galang.

"Prinsipal Mori, congratulations and welcome sa school," malugod na bati ni Mama.

"Ikaw naman, napakapormal mo. Ako pa rin 'to si Gusting," sabi na may kasamang tawa ng prinsipal.

"Ay siya nga pala, anak ko si Mouse," pakilala ni Mama.

"Wow! Mukhang banyaga ang napangasawa mo, a."

"Naku, mahabang kuwento. Half british 'tong si Mouse, dito ko siya sinilang sa Pilipinas. Matagal nang pumanaw ang Papa niyang Briton."

Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Mama nang alalahanin niya ang tunay kong ama.

"S-Sorry! Hindi ko alam. Ang mabuti pa lumakad na tayo papunta sa klase mo."

Tumango si Mama't naglakad kami pabalik sa silid-aralan. Nang makarating kami sa tapat ng pinto.

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now