My Name is Mouse 2: Rooftop Party

14 2 0
                                    


MABILIS lumipas ang dalawang buwan, nag-celebrate ako ng 17th birthday ko kasama ang buo kong pamilya. Hindi rin nawala sa pagdiriwang ang pamilya Lewis, kahit hindi sila kompleto ramdam ko ang patuloy nilang pagmamahal sa akin. Nagsalo-salo kami sa bahay, inimbitahan ko rin sina Moli, Lily, Jack at ang bago kong kaibigan na si Jury. Ipinakilala ko siya sa kanila at malugod naman nilang tinanggap si Jury sa aming pamilya.

Matapos ang kaarawan ko, balik sa normal na araw ang lahat. Pasok sa eskwela, mag-aaral pagkauwi, mag-iiwan ng mensahe sa Friendster, titingnan kung online si Ashley sa chat. Gano'n lang ang araw-araw kong ginagawa. Kahit papaano naman naalala ni Theo ang birthday ko, kahit simpleng pagbati lang ang gawin niya masaya na ako. Hindi rin namin nai-celebrate ang birthday nila ni Ashley, no'ng nakaraang March 14.

Ang sabi ni Ashley sa message niya sa Friendster, marami raw gawain sa school nila kaya palaging busy si Theo. Business course ang tini-take ni Theo habang Culinary Arts kay Ashley. Hay! Huwag naman sana pabayaan ni Theo ang sarili niya. Alam kong pinagbubutihan niya dahil malaki rin ang inaasahan sa kanya ng daddy niya.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama, kinuha ko ang larawan namin ni Theo. Hanggang tingin na lang ako sa mukha niyang masungit. Bigla tuloy akong napangiti. Miss na miss ko na siya...

"Mouse!"

May kumatok sa pinto, si Lyka?

"Lyka?" Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si Lyka.

Pinapasok ko siya sa loob, isinara ang pinto at sinamahan siya sa ibabaw ng kama.

"Mouse, may ipapakiusap sana ako sa 'yo," seryosong turan ni Lyka, habang nakaupo sa ibabaw ng kama.

"Ano ba 'yon?" simpleng tanong ko.

"Sumama ka sa Linggo, kailangan mong sumama!"

"Ha? Saan?"

Natigil sandali si Lyka, bigla siyang nag-blush, kagat ang ilalim ng labi niya. "May rooftop party kasi na gaganapin sa Linggo sa bahay ng friend ko. Inimbitahan niya ang ilang boys ng San Roque Men's Collage."

"San Roque Men's Collage? May kakilala ang friend mo sa kabilang school?" taka kong tanong. Nararamdaman ko na kung saan patungo itong pakiusap ni Lyka sa akin. "Huwag mong sabihing..."
"Pinaimbitahan ko si France! Kaklase kasi ni France iyong friend ng friend ko." paliwanag ni Lyka, with hand gestures pa. "Ayaw niyang sumama pero no'ng ako mismo ang kumausap sa kanya sa cellphone, sinabi kong kasama kita!"

"Ha?! Bakit?" gulat ko.

Sinasabi ko na nga ba! May kinalaman na naman si France rito. Napa-face palm na lang ako sa pandadawit ni Lyka sa akin.

"Sige na please! Sumama ka na. Akong bahala sa 'yo," pakiusap ni Lyka.

"Ano pa nga bang magagawa ko? E, sinabi mo na ang pangalan ko." Napakamot na lang ako sa ulo.
Niyakap ako ni Lyka, tuwang-tuwa siya na pumayag akong sumama dahil ayaw niyang mapahiya kay France. Gusto niyang naroon si France, kahit na alam kong si France lang naman talaga ang habol niya, pumayag na rin ako.

Nagpaalam si Lyka, lumabas siya ng kuwarto at bumalik sa kuwarto niya. Siya na raw ang bahala sa lahat. Iniisip ko tuloy kung ipapaalam ko ito kay Theo, pero siguradong magagalit iyon. Ayaw ko na siyang gambalain sa marami niyang gawain sa school nila. Ang inaalala ko ngayon ay si Lyka, mukhang hindi magandang ihemplo ang mga nakita niyang kaibigan.

***

SUMAPIT ang Linggo ng gabi. Tulad ng sinabi ni Lyka, isa itong rooftop party kaya nasa rooftop kami ng malaking bahay ng kaibigan niya. Halatang mayaman ang pamilya ni Erica na kaklase ni Lyka. May mga katulong sila, tatlong kotse, may swimming pool, at malaking bahay. Modern sytle ito na open ang rooftop kaya pwedeng magsagawa ng party dito.

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now