Good bye part - 1

30 2 0
                                    


SABADO ng umaga nang tawagan ako ni Ashley sa cellphone. Umuwi na kami ni Mama kahapon dito sa bahay sa Makati. Inilipat na kasi namin ang mga gamit namin mula sa dormitoryo rito. Mananatiling guro pa rin si Mama sa Davies pero dahil bakasyon balik bahay muna si Mama.

Pinapapunta ako ni Ashley sa mansyon mamayang gabi dahil magkakaroong sila ng despidida party para sa pag-alis nila. Pumayag naman ako dahil ayokong umalis lang sila na hindi man lang ako nakakapagpaalam.

Matapos tumawag ni Ashley, wala pa isang oras tumawag naman si Theo.

"Mouse!"

"Hello! Theo?"

"Nasa biyahe ako papunta riyan sa bahay n'yo."

"Huh? Baki?"

"Huwag ka nang maraming tanong, basta magbihis ka at lalabas tayo."

Hindi na ako nakasagot pabalik nang babaan niya ako nang i-cut na niya ang tawag sa cellphone. Ang lalaking 'yon talaga!

"Uy! May date sila ni Kuya Theo!" nang-aasar na biro ni Johan.

Bigla akong namula sa biro ni Johan, dama ko ang init na umaangat sa mukha ko. Kinuskos ko ang buhok niya sa ulo bago ako umakyat sa kuwarto ko upang kumuha ng damit.

"Mama! Darating po si Kuya Theo! I-de-date po yata si Ate!" sigaw ni Johan.

Rinig na rinig ko ang boses niya sa hagdan hindi pa man ako nakakapanig sa itaas. "Hindi ako sure sa date na sinasabi mo! Malay mo dadalaw lang talaga 'yong tao!" depensa ko kahit na deep inside umaasa akong yayaain nga niya akong makipag-date sa kanya ngayon.

"Aminin mo na, umaasa ka rin!" sigaw na biro ni Johan pabalik sa akin. Aba't nakakabasa na pala siya ngayon ng isip, a.

"Tse! Ikaw talaga! Sige, tatawagan ko si Lily sasabihin kong crush mo siya!"

"Eh!!! Ate naman!"

Hayun at tumahimik din ang cute kong kapatid. Tinawanan ko lang siya kasi hindi na siya nakasagot pabalik sa akin. Sa Davies na nga pala mag-aaral si Johan, at narinig ko mula kay Lily na balak din siya roong ipasok ng umampon sa kanya. Dahil maganda at mataas ang kalidad ng edukasyon sa Davies, lalo pa itong nakilala.

Binilisan ko na ang kilos ko, naligo at nagbihis ng casual blouse at skirt. Nakalugay lang ang kulot at mahaba kong buhok. Natutuwa na ako ngayon sa mukha ko dahil pansamantalang nilayasan ako ng tigyawat ko sa mukha. Dahil siguro sa ipinapagamit sa akin ni Mama na mild soap. Maliban sa pekas ko sa pisngi na tingin ko hindi na mawawala dahil nasa lahi na namin talaga. Briton ang tunay kong ama kaya brown, hair, eyes at heto nga pekas. Pero okay lang, para sa iba maganda naman daw ako.

"Ate! Narito na si Kuya!" tawag ni Johan.

Bumaba ako't nagtungo sa salas. Nakaupo roon si Theo, katabi ni Johan. Inalok na naman siya ng kapatid ko na maglaro ng PlayStation.

"Theo, ang bilis mo namang makarating," tawag ko sa kanya.

"No'ng tumawag ako malapit na ako sa babaan kaya mabilis lang ako nakarating," sagot niya.

Tumango lang ako't nagtungo sa kusina. Naghain ako ng makakain niya.

"Nag-almusal ka na ba?" tanong ko habang naghahanap ng maihahanda.

"Hindi pa," tipid niyang sagot.

Umalis siya ng mansyon na hindi pa nag-aagahan? Hay! Buti may natira pang sinangag, itlog at tapa na niluto ni Mama kanina. Hinainan ko siya sa lamesa ng tapsilog at hot choco.

"Kain ka muna," yakag ko sa kanya.

Tinapos muna niya ang isang stage sa nilalaro nila bago siya nagtungo sa mesa at kumain. Tahimik lang si Papa na nagbabasa ng diyaryo sa salas habang si Mama ay nagsusulsi ng butas na damit.

"Siya nga po pala, Tita Erina, pinapapunta po kayong lahat ni Lola sa mansyon."

Natigil si Mama sa pagsusulsi. "Ah, Oo! Tinawagan na nga ako ni Finn. Bukas na nga pala ang alis n'yong mag-anak."

Tumango si Theo. "Opo! Pero kami lang ni Ashley ang mananatili sa USA. Babalik din kaagad dito si Papa."

"Balita ko nga," sagot ni Mama.

Sinimulan nang kainin ni Theo ang hinanda kong almusal para sa kanya. Sinamahan ko siya't naupo ako sa tabi niya. Ang bilis niyang naubos ang pagkain, halatang gutom siya, a.

"Ba't naman kasi hindi ka muna nag-almusal bago umalis?"

"Para makaalis tayo kaagad."

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Hinipan ni Theo ang hot Choco bago niya ito ininom. Ibinaba niya ang tasa saka tumingin sa akin nang deretso. "A-ayain sana kitang makipag-date sa akin?"

Muntik na akong mauntog sa mesa sa sinabi niya. Narinig ko ang mahinang tawa na parang nanunukso sa salas. Sina Mama, Papa at Johan, parepareho silang natatawa sa istilo ng pang-aaya ni Theo.

"B-Bakit? Ba't natatawa ka?" Seryoso ang mukha niya nang pansin kaming natatawa sa kanya.

"Wala lang, ang cute mo lang!" biro ko. "So, saan ba tayo mag-de-date?"

"Uhm..." Bigla siyang napakamot sa batok at inilihis ang tingin sa kabilang dereksyon. "Sa seaside sa Mall,"

"Ah! Doon pala!" Tumingin ako kina Mama at Papa.

Nakita ko si Papa na tumango gano'n din si Mama. Halata namang nakikinig sila sa usapan naming dalawa.

"Tito, Tita, ipagpapaalam ko lang po si Mouse," wika ni Theo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa silya dahil tapos na siyang kumain. Kinuha ko ang pinagkainan niya't dinala sa kusina. Narinig ko na lang na sumagot si Papa.

"Wala namang problema sa amin 'yon basta mag-iingat kayo at umuwi sa takdang oras." Ibinaba ni Papa ang hawak niyang diyaryo't ngumiti kay Theo.

"Huwag po kayong mag-alala, dederetso po kami sa mansyon pagkatapos," paniniguro ni Theo.

Tumango lang sina Mama at Papa bilang pagsang-ayon.

***

NAKARATING kami sa malaking mall dito sa Pasay. Nasa seaside kami't pinagmamasdan ang Manila Bay sa pader na humaharang sa baybayin. Marami nang tao rito ngayon palibhasa Sabado.

"Tara!" Naramdaman kong dumulas ang kamay ni Theo sa palad ko. Ikinulong niya ang mga daliri ko sa pagitan ng daliri niya. Magka-holding hands kami habang naglalakad at pinagmamasdan ang banayad na tubig sa Manila Bay.

Nahinto kami sandali pagkatapos ay umakyat si Theo sa pader at inabot niya ang kamay ko. "Maupo muna tayo."

Tinulungan niya akong umakyat, nang makarating kami pareho sa itaas naupo kami nang sabay.

"Ang ganda!" Nakatingin ako sa tubig nang bigla akong mapahikab. "Nakaantok ang ganitong tanawin, ang sarap matulog," bulong ko.

Napangisi siya. "Oo nga! Halatang inaantok ka, oh." Pinisil niya ang pisngi ko saka ngumiti nang nakakaloko.

"Aray! Masakit, a!" Kunwari lang pero hindi naman talaga masakit.

Natawa lang kaming pareho pagkatapos inakbayan ako ni Theo, kinabig niya ako patungo sa braso niya. Isinandal niya ako sa braso niyang may umbok ng muscle. Hinayaan ko na lang ang sarili kong tangayin ng masarap na pakiramdam na ito. Niyakap ko ang braso niya ng isa kong kamay habang ang isa nama'y nakapatong lang sa binti ko.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nilasap namin ang malamig na hanging dumadampi sa aming balat. Kahit maraming tao pakiramdam ko kaming dalawa lang naririto.

Napapikit ako dahil sa payapang presensya sa paligid. Nang bigla akong makiliti sa tainga.

"Mouse," malambing na bulong ni Theo na siyang kumiliti sa tainga ko.

"T-Theo?"

Seryoso ang mukha niya nang titigan ako. Kumikinang ang mga mata niyang tinatamaan ng sinag ng araw. May lungkot akong nadama sa paglalim nang aming tinginan. Damang-dama kong aalis na siya't pupunta sa malayo. Malayong lugar at walang kasiguraduhan kung magkikita pa kaming muli. At kung magkita pa nga kami, pareho pa rin kaya ang nararamdaman para sa akin ni Theo? Bigla akong kinabahan sa maraming bagay na pwedeng mangyari sa hinaharap. Natatakot ako...

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now