Longing for a family

70 2 0
                                    


HABANG palabas ako ng school building napansin ko ang isang bata sa gate. Palakad-lakad siya at mukhang umiiyak. Nilapitan ko siya, mukha siyang elementary student. Kasing edad siguro siya ni Lily, anim o pitong taon?

"Bata, ano'ng ginagawa mo rito?"

"Mama!" iyak ng bata.

"Teka, sabihin mo ang pangalan mo para matulungan kita."

Bigla siyang umiling saka nagpatuloy sa pag-iyak. Nasa bibig na niya ang sipon niya. Basang-basa na ang mukha niya ng luha. Gusto ko sanang punasan ang kaso inilayo niya ang sarili niya tapos iniyuko nang tuluyan ang ulo niya.

Nagtanong ako ulit kung taga-saan siya ayaw pa rin sumagot. Tinanong ko kung ilang taon na siya wala pa rin, hanggang sa dumating si Mrs. Drew.

"Johan! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!"

"Mrs. Drew? Kilala n'yo po ang batang 'to?"

Lumapit at kinarga ni Mrs. Drew ang batang lalaki. Pinunasan niya ang mga luha nito. Gusot na gusot ang mukha nito sa kakaiyak. Ano ba 'yan bigla ko tuloy na-miss ang mga bata sa ampunan.

"Anak ko ang batang 'to, siya si Johan," pakilala ni Mrs. Drew. "Nalingat lang ako sandali kanina nawala na siya sa paningin ko. Dinala siya rito ng yaya niya umiiyak kasi at gusto akong makita. Mabuti at nakita mo siya, Mouse, salamat!"

"Wala naman po akong ginawa, Mrs. Drew. Pero, cute po ng anak n'yo kamukha n'yo po. Pareho po kayo ng hugis ng mukha at kuhang-kuha rin niya ang tangos ng ilong n'yo. Nakakatuwa ang cute talaga!" Magkamukha talaga sila ng anak niya, parehong kulay itim ang buhok at mamulamula ang pisngi ang ganda ng lahi nila.

"Johan siya si Ate Mouse, estudyante ko siya."

"A-Ate Mouse? 'di ba po daga 'yon sa English?" nakakalokong tanong ng bata. Bahagyang natawa si Mrs. Drew, hindi naman nakakainsulto iyon para sa akin. Tama nga naman siya.

"Anak, hindi niya iyon tunay na pangalan mahaba kasing kuwento," kumbinsi ni Mrs. Drew sa anak niyang cute. Buti na lang at cute siya.

Nang makita ko kung paano nilambing ni Mrs. Drew ang anak niyang si Johan. Nakaramdam ako ng inggit. Hindi ko maiwasang isipin kung kinarga rin kaya ako ng tunay kong ina noong sanggol pa lang ako bago niya ako iwan sa simbahan? Hinalikan din kaya niya ako at sinabihan ng 'I Love You'? Ano ba iyan! Bigla tuloy akong naluha nang hindi ko namamalayan.

"Ayos ka lang ba, Mouse? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Drew.

"O-okay lang po ako!"

"Ate, huwag ka na po malungkot. Maganda naman po ang pangalan mo!"

Bigla akong napangiti sa sinabi ni Johan.

Hinawakan ako ni Mrs. Drew sa kamay. Ewan ko ba kung bakit napakainit ng palad niya. Umiinit ang buo kong katawan parang nabubuhay ang dugo ko at lumulukso sila sa tuwa. Ano kayang mayroon kay Mrs. Drew at ang sarap sa pakiramdam ng mga haplos niya? Habang si Johan, nakakatuwa siya at parang gusto ko siyang alagaan na parang ate niya talaga.

"Mouse, ang mabuti pa sumabay ka na sa amin."

"Sige po! Alam n'yo po, curious nga po ako kung ano ang hitsura sa loob ng dormitoryo?"

"Kung gano'n sumama ka na rin sa amin sandali para makita mo."

"Talaga po?" Laking tuwa ko nang imbitahan ako ni Mrs. Drew na dumaan saglit sa dormitoryo kung saan sila tumutuloy.

Habang naglalakad kami walang humpay ang pagkukwento ko kay Mrs. Drew, habang karga niya ang anak niya. Nakatulog ito, siguro dahil sa kakaiyak kanina. Natatawa lang ang guro sa kadaldalan ko pero, okay lang kasi hindi siya masungit. Gustong-gusto ko talaga siya! Masasabi ko na maswerte pa rin ako dahil may mga mabubuting tao tulad ni Mrs. Drew at Mister Finn sobrang bait nila sa akin! Tiwala akong malalampasan ko ang lahat ng pagsubok basta nasa tabi ko sila.

My Name is Mouse (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon