Her real name part - 1

49 3 0
                                    


LUMIPAS ang ilang araw na walang humpay ang pagbuhos ng ulan. May bagyo at nasa loob na ito ng Philippine Area of Responsibility, pero wala pang suspension ng klase kaya pumasok pa rin ako.

Matapos ang naging pag-uusap namin noon ni Mister Finn, tuluyan na nga akong naka-move on. Magkagano'n man mananatili siyang espesyal sa buhay ko. Nakakapag-focus na ako nang husto sa aking pag-aaral. Alam ko naman kasing palaging nakasuporta sa akin si Mister Finn.

Ang kaunti namin ngayon sa klase. Hindi na pumasok ang ibang mga estudyante lalo na ang may malalayong bahay na nasa labas na subdivision.

Pumasok sa loob ng silid-aralan si Mrs. Drew, ibinalita niya sa amin ang bagong anunsiyo sa radyo. Itinaasa na sa signal number 2 ang Metro Manila, kanselado na ang pasok sa lahat ng antas. Signal number 3 naman sa karatig lalawigan kung saan naroon ang sentro ng bagyo.

"Class, suspended na ang klase. Iyong mga may sundo ay maaari nang umuwi, habang ang wala pa ay mananatili rito at maghihintay ng sundo. Kapag wala pang sumundo sa inyo, sabihan n'yo ako at tatawagan ko ang parents n'yo."

"Kami po, pwede na po kaming umuwi?" tanong ko dahil malapit lang naman ang tinutuluyan namin.

"Oo, Mouse. Iyong mga nasa dormitoryo tumutuloy makakauwi na rin kayo," sabi ni Mrs. Drew.

Nagsipag-uwian na ang ilang estudyante habang kami nina Ashley, Theo at Lyka dumeretso sa mansyon. Nakita ko sa loob ang mga sako ng bigas, mga delata, noodles at iba pang relief goods. May mga teacher and volunteer student galing sa dormitoryo na naroon.

"Mouse, mabuti at narito na kayo tumulong kayo sa pagbabalot nitong mga relief goods. Ipapamahagi natin ito sa mga taong masasalanta ng bagyo," sabi ni Mrs. Lewis

"O-Okay po!" atubili kong sagot.

Tulong-tulong kami sa pag-aayos ng relief goods. Hindi pa nga ako nakakapagbihis tumulong muna ako sa kanila. Nakabukas ang TV at nakaantabay kami sa balita. Ito na yata ang pinakamalakas na bagyong naranasan ko sa apat na taon kong pagtira rito.

Laging nakahandang tumulong ang pamilya Lewis sa ganitong sakuna. Bukas ang eskwelahan para maging evacuation center ng mga taong babahain sa labas ng subdivision. Nakikipag-ugnayan din si Mister Finn sa ibang lokal na ahensiya sa Metro Manila para makapagbigay ng tulong sa oras ng pangangailangan.

May dinonate rin silang rubber boat para sa mga pamilyang kinakailangan ilikas at ilipat sa evacuation center.

Pagkatapos kong tumulong nagpaalam muna ako na magbibihis sandali at babalik din kaagad.

"Mouse, sasamahan na kita, delekadong mag-isa sa daan!" Isinuot ni Mister Finn ang bota sa paa niya saka isunuot ang kapote sa katawan. Lumukso ang puso ko sa tuwa nang malaman na nag-aalala siya para sa akin. Isa na lamang paghanga ang nararamdaman ko para sa kanya. Masaya akong walang nagbago sa pagtingin niya sa akin.

Hindi na ako tumanggi at hinayaan ko siyang samahan ako sa dormitoryo. Isinuot ko rin ang bota at kapote sa katawan. Tumatakbo kami ni Mister Finn habang sinusuong ang malakas na ulan at hangin. Bumagsak na ang mga maliliit na puno at halaman sa tabi ng kalasada. Hanggang sa makarating kami sa dormitoryo, kaagad akong nagtungo sa itaas. Matapos magbihis narinig ko ang malakas na sigaw ni Mrs. Drew, binilisan ko ang punta sa kuwarto niya.

"Mrs. Drew? Ayos lang po ba kayo?! Mrs. Drew?" Kinalampag ko ang pinto habang sumisigaw.

Biglang bumukas ang pinto tumabad sa mukha ko ang umiiyak at natatarantang guro. Pilit ko siyang pakalmahin saka tinanong kung anong nangyari. Napahawak siya sa magkabilang braso ko saka nanginginig na nagsalita, "M-Mouse, si Johan! Nawawala si Johan!" bulalas niyang sigaw habang umiiyak.

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now