Pendant and Letter

146 3 0
                                    


KINABUKASAN nagtungo ako sa simbahan pinapatawag daw kasi ako ni Father Morales. Naku! Baka pagsasabihan akong mangumpisal dahil sa ginawa ko kahapon huwag na man sana. Kakakumpisal ko lang sa kasalanan ko no'ng isang araw tapos heto na naman? Naupo kami sa mahabang upuan na gawa sa kahoy walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. May inilabas si Father Morales, isang kwintas ibinigay niya ito sa akin kasama ang isang lumang sobre. Kinabahan ako kasi sa tinagal-tagal ng panahon bigla niya akong kinausap ng ganito na may kasamang bagay na ibinigay niya sa akin. Lumukso ang puso ko sa pananabik kung ito na ba? Ito na nga ba ang matagal ko nang hinihintay na kasagutan?

Huminga muna siya nang malalim bago tumingin sa akin. "Noong natagpuan kita sa tapat ng pinto ng simbahan, nakasuot sa 'yo ang kwintas na iyan. Kasama ng sobre na tingin ko ay isang sulat para sa 'yo. Maaaring iniwan 'yan para sa pagdating ng panahon ay makilala ka ng tunay mong mga magulang. Itinago ko 'yan para hindi mawala," kwento ni Father Morales.

Isinuot ko ang heart shape na kuwintas, kulay silver at may pasukan ng susi sa gitna? Sinilip ko ang butas nito pero wala akong makita.

"Tingin ko, ang susi ng pendant na 'yan ay nasa kamay ng tunay mong mga magulang Mouse," saad pa ni Father.

Sandali akong natahimik habang hawak ang kuwintas pinilit kong inuunawa ang mga sinabi ni Father, pero parang balewala lang sa akin? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Dati kasi hindi naman ako umaasang may malaman pa tungkol sa pinagmulan ko pero ngayon biglang ito na nga.

"Alam n'yo po okay lang naman kung hindi na nila ako hanapin kasi tingnan n'yo po, iniwan nila ako no'ng baby pa lang ako tapos babalikan nila ulit ako ngayong malaki na? Ano'ng klaseng magulang ang gagawa no'n sa anak?" Hinimas-himas ko ang pendant habang inuusisa ang hitsura nito.

Biglang tinapik ni Father ang ulo ko't ngumiti. "Siguradong may dahilan, hindi lang natin alam kung ano 'yon. Hindi tama na husgahan natin ang isang tao hanggat hindi natin nalalaman ang tunay nitong dahilan kung bakit—nakagawa sila ng hindi tama sa kapwa. Mahirap maunawaan sa ngayon pero, balang araw pagdating ng tamang panahon...sa muli n'yong pagkikita—sana, sana pakinggan mo muna ang paliwanag nila."

"Paano po kung ginusto talaga nila akong iwan? Kung, sinasadya po talaga nila? Masama po ang loob ko! At hindi 'yon basta-basta mawawala!"

"Kapag nangyari 'yon, bumalik ka rito sa simbahan makikinig ako sa lahat ng sama ng loob o galit mo. Tandaan mo, nandito lang kami para sa 'yo... lalo na ang Panginoon."

Itinuro ni Father Morales ang langit, natingala ako at pinagmasdan ito. Kulay asul ang kalangitan, kumpol-kumpol ang ulap, banayad ang sikat ng araw. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa hinaharap, ipagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Magkita man kami o hindi ng tunay kong mga magulang.

"Magpasalamat tayo at kahit papaano ay mayroong bagay na magiging daan para matagpuan mo ang tunay mong mga magulang, Mouse." Ngumiti si Father Morales, isang ngiti na nagsasabing masaya siyang naibigay niya ang mga bagay na ito sa akin. Siguro umaasa rin siyang balang araw ay magiging buo rin ang pagkatao ko.

"Salamat po, Father."

Bago umuwi ng ampunan may regalong ibinigay sa akin si Father Morales, isang pares ng tali sa buhok. Napansin niya siguro na goma lang ang ginagamit kong pantali sa kulot kong buhok. Taos-puso akong nagpasalamat sa ibinigay niya, talagang mabait si Father para talaga siyang ama sa aming lahat.

"Father, salamat po at may maayos na akong panali sa buhok. Hindi na po siya sasabog tulad sa isang bulkan. Kung bakit kasi kulot ang buhok ko? Sana, tuwid at kulay itim na lang ang buhok ko tulad po sa inyo."

Bigla siyang natawa nang malakas sa sinabi ko. "Ang ganda kaya ng kulay ng buhok mo kulay Almond lalo na kapag nasisinagan ng araw, sigurado may ibang lahi ka—"

My Name is Mouse (On-going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant