Foundation Day - II

48 2 0
                                    



SUMAPIT ang unang araw ng foundation day.

"KAYA mo 'yan! kapag naramdaman mo ang kaba, tumingin ka lang sa harapan mo at naroon ako pinapanuod ka,"

Ito ang mga katagang tumatak sa isip ko bago mag-umpisa ang musical play namin. Pinalakas ni Mister Finn ang loob ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Nasa harapang silya sina Mister Finn, Mrs. Lewis at Miss Mendez. Unang araw ng foundation day, lahat kami kinakabahan sa magiging performance ngayon sa musical play namin.

Pinatay na ang ilaw sa loob ng basketball gym nakasara ang telon ng entablado, nakahanda na ang sound system at props. Nagpalakpakan ang mga manunuod, nag-play ang intro, bumukas ang spot light at nagsimula na ang palabas. Maganda at maayos ang takbo ng mga eksena, malinis ang deliberation ng mga linya. Naka lip-sync kami sa pagkanta tuloy-tuloy ang galaw namin, mabibilis kumilos ang lahat. Nakikita namin sa mga manunuod na nag-eenjoy sila sa performance namin.

Hanggang sa...

Dumating ang isa sa highlight ng play, ang sayaw at pagkanta naming dalawa ni Theo. Hala! Bigla akong kinabahan nangangatog ang tuhod ko at nanginginig ang mga kamay ko. Mula sa backstage sumilip ako sa audience hinanap ko si Mister Finn, nang makita ko siya napahawak ako sa aking dibdib. Hay! Lalo pa yatang nakadagdag ng kaba ang makita ang presensiya niya sa harap.

Isinara ang telon at mabilis inayos ng mga kaklase ko ang background. Bababa ako mula sa hagdan at aabangan ako ni Theo na gumaganap bilang si Beast saka tutugtog ang musika at kakanta kami habang sumasayaw. Hindi tuloy ako mapalagay kakaisip na baka maapakan ko na naman ang paa niya.

"Hoy! Halatang kabado ka!" Bigla akong nilapitan ni Theo.

"Mouse, relax ka lang kasama mo naman si Theo, sundan mo lang ang pag-lead niya," paalala ni Ashley.

Tumango ako bilang tugon huminga muna ako nang malalim saka ibinuga ang hangin palabas. Hinawakan ni Theo ang kamay ko at nagtungo kami sa stage para pumwesto at ihanda ang sarili sa susunod na eksena. Bago ako umakyat mula sa ginawa naming props na hagdan, hinawakan ako ni Theo sa magkabilang balikat saka niya inilapit ang mukha niya sa tainga ko. Napaigtad ako sa gulat pero, hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa magkabilang balikat ko.

"T-Theo?"

"Wala kang ibang titingnan kundi ako, sa akin mo lang ituon ang mga mata mo at sa 'yo ko lang din itutuon ang mga mata ko."

"A-ano?"

Ramdam kong umangat sa mukha ko ang init na siyang nagpamula sa magkabilang pisngi ko.

"Siya nga pala, bagay sa 'yo ang suot mo."

"H-hoy! T-tumigil ka na nga!" Bigla ko tuloy siyang tinulak palayo sa 'kin.

Nanigas ako na parang bato nang ngisian niya ako. May kasamang panunukso ang mga ngisi niyang iyon. Hanggang sa pumunta na siya sa kanyang pwesto at ako naman padabog na umakyat nang hagdan.

Bakit kasi ngayon pa niya sinabi ang mga bagay na iyon? Hay! Pakiramdam ko ang init ng mukha ko, baka makita nila ang nagbu-blush kong mukha nakakahiya!

Bumukas ang telon, tumugtog ang intro hudyat na lalabas ako at sisilip muna sa ibaba saka bababa habang nag-aantay si Beast sa bulwagan ng palasyo. Rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga tao. Dahan-dahan akong bumaba at nang magharapan na kaming dalawa, nagbigay galang ang gentle man na si Beast at inabot ang kamay niya sa harap ko. Inabot ko iyon at nagsimula na akong kumanta habang nagsasayaw sa gitna ng bulawagan.

Pagkatapos kong kantahin ang linya ko si Theo naman ang kumanta ng linya niya. Hindi ko magawang tumingin sa harap kung nasaan si Mister Finn, tuwing kumukuha ako ng tyempo para silipin si Mister Finn, hinahatak niya ako at iniiba ng dereksyon namin. Nawiwindang na tuloy ang mga paa ko kung saan dapat pumunta.

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now