My Name is Mouse 2: Leaving with Heartache

17 2 0
                                    


NAKAUWI na kami sa mansyon ng mga Lewis, hindi maganda ang pag-alis namin sa vacation house. Simula sa biyahe hanggang makauwi kami... wala kaming pansinan ni Theo. Nagpaliwanag naman ako tungkol sa nawalang singsing, ang akala ko okay na... pero hindi na niya ako pinansin pagkatapos kong magpaliwanag.

"Merry Christmas, Mouse!" bati ni Ashley. Nilapitan niya ako rito sa terrace sa labas. "Ang lalim ng iniisip mo, a?" Umupo siya sa ibabaw ng terrace saka hinarap ako.

Bumukas ang pinto't dumating din si Lyka. "Nandito lang pala kayong dalawa." Lumapit din siya sa amin ni Ashley. "Nagkakasiyahan sila sa loob ba't ayaw n'yong makisaya?" tanong niya.

"Eh, paano? Itong si Mouse, oh—" Tinuro ako ni Ashley gamit ang nguso.

"Hindi pa rin ba kayo okay ni Theo?" tanong ni Lyka saka naupo sa tabi ni Ashley.

Sumandal ako sa poste ng terrace, tumingala sa langit saka bumuntong-hininga. "Ewan ko ba? Parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Ayaw niya kasi akong pansinin kahit nagpaliwanag na ako sa nangyari."

Bumaba sila sa ibabaw ng terrace saka nilapitan ako sa magkabilang tabi pagkatapos binigyan nila ako ng tapik sa balikat.

"Alam mo naman ang kakambal ko, kasing lalim ng karagatan ang pag-iisip no'n." Sumandal sa balikat ko si Ashley.

"Hayaan mo na lang muna siya baka sobrang nagselos lang talaga siya kay Hiro." Gano'n din ang ginawa ni Lyka sa kabilang balikat ko.

Hay! Ano pa nga ang magagawa ko kundi yahaan muna ang lalaking 'yon na makapagpalamig. Akala ko maiintindihan n'ya ang paliwanag ko, mukhang may iba pa siyang malalim na iniisip.

"Ang mabuti pa enjoy na lang muna natin ang Paskong ito." Hinawakan ni Ashley ang kamay ko. "Aalis na kami after ng Pasko," malungkot niyang sabi.

"Akala ko ba after ng New Year pa kayo babalik sa America?" gulat kong tugon sa sinabi niya.

"Akala ko nga rin... si Theo ang nagsabi na kailangan na niyang bumalik. Mukhang may mahalaga siyang gagawin kaya kailangan na naming bumalik."

Lalo akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Ang bilis naman nilang umalis, iniisip ko pa lang na hindi ako papansinin ni Theo bago sila umalis... sobrang lungkot ko na. Kailangan ko talagang makausap si Theo! Kailangang maayos namin kaagad 'to! Ayaw ko namang magkahiwalay kami nang may 'di pagkakaunawaan.

"Ashley!" tawag ko. "Tulungan n'yo naman ako ni Lyka na makausap si Theo ngayon din mismo!"

Nagkatinginan ang dalawa saka ngumiti.

"Oo ba!" sabay nilang sagot.

***

NASA hardin ako't nilalasap ang malamig na simoy ng hangin. Hindi pa tapos ang kasiyahan sa loob ng mansyon. Pinagmamasdan ko ang kalangitang puno ng mga bituin. Maaliwalas at hindi maulap ang gabing ito kaya kitang-kita ang kinang ng malaking bituin. Nang makarinig ako ng yabag ng sapatos papalapit sa akin.

Napalingon ako. "T-Theo?" kaagad kong sambit nang makita ang seryoso niyang mukha. Akala ko kasi hindi na siya darating, pinakiusapan ko pa naman sina Ashley at Lyka na tulungan akong makausap siya.

"Ano bang kailangan mo?" seryoso niyang tanong na tila balewala lang ako sa kanya. "Bilisan mo't marami pa akong gagawin sa kuwarto ko."

"M-Mas importante ba 'yan kaysa makasama ako?" Hinawi ko ang kulot kong buhok patungo sa likod ng tainga ko. Sinubukan kong magpa-cute sa kanya kahit kaunti baka sakaling tumalab.

"Tsk! Ano bang tingin mo sa sarili mo? Hindi ka na bata para magpa-cute ng ganyan!" Tinalikuran niya ako nang may masungit na tingin.

Nakakainis.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Dec 05, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

My Name is Mouse (On-going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin