Prom Night

32 3 0
                                    


NAKABIHIS na kaming tatlo sa loob ng kuwarto ni Ashley. Dito na ako pinagbihis ni Mrs. Lewis, may regalo kasi siyang night gown na gusto niyang isuot ko sa gabi ng prom. Sexy spaghetti violet ball gown ang suot ni Lyka, angat na angat ang ganda ng hubog ng katawan niya. Elegant sleeveless long chiffon blue gown ang suot ni Ashley, lalong umangat ang mestiza niyang mukha. Habang ako, naka lovely pink long princess ball gown na off shoulder.

Pinaayusan din kami ng buhok at neregaluhan naman ako ni Papa ng sapatos na babagay sa gown ko. First time and last ko 'tong mararanasan ngayon gabi kaya excited na talaga ako. Ito ang isa sa highlight ng pagiging high school student namin. May light make up kami para maganda naman ang hitsura namin sa picture mamaya.

Nang marinig ko ang pagpasok ni Moli sa loob ng mansyon. Pinatuloy siya at pinapunta sa kuwarto ni Ashley.

Nahihiyang pumasok si Moli sa loob. "M-Mouse!" bati niya. "Ang ganda mo, Mouse!"

"Moli!" Nagyakapan kaming dalawa. "Bakit hindi ka naka-gown?" taka kong tanong nang mapansin ang suot niyang shirt at jeans.

"S-Sorry, wala kasi akong maisusuot..." nahihiya niyang sabi.

Nagtungo sa aparador si Ashley, kinuha niya ang extra gown niya saka sinukat kay Moli. "Heto, Moli. Tamang-tama ang sukat nito sa katawan mo."

"P-Pero..."

"Huwag ka nang mahiya, ayoko namang ako lang ang makaranas nito," saad ko.

Tumango si Moli, nagbihis siya sa likod ng divider pagkatapos lumabas. Ang ganda ni Moli, lalo pa siyang gaganda kapag naayusan ng buhok at nalagyan ng make up. Naalala ko sa bahay-ampunan, si Moli ang magaling manahi sa aming lahat. Nabanggit niya na pangarap niyang makapagsuot ng maganda't kumikinang na gown. Heto na nga ang pagkakataon niyang iyon.

Matapos ang paghahanda, sabay-sabay kaming bumaba ng hagdan. Kita ko sa mga mata nila ang pagkamangha sa aming apat. Damang-dama ko ang pagiging dalaga ko. Hindi na nga ako musmos na bata, isa na akong ganap na dalaga.

Nakaabang sa ibaba ang sundo naming mga lalaki. Sila ang ka-date namin. Si Lyka may nag-aya sa kanya na tagaibang section. Si Moli, syempre wala siyang ka-date kasi ako ang nag-imbita sa kanya. Si Mister Finn na lang daw muna ang sasama kay Moli. Kay Ashley...

"Jack!" tuwang tawag ni Moli nang makita si Jack sa ibaba nakaabang upang umalalay kay Ashley.

"Moli! Mabuti at nakarating ka," tuwang bati ni Jack.

Katabi ni Jack ang halatang iritableng lalaki, si Theo. Matalas ang tingin ni Theo kay Jack, wala kasi siyang kaalam-alam na siya pala ang naimbitahan ni Ashley na maging ka-date niya.

"Jack, salamat at dumating ka," mahinhing wika ni Ashley. Inabot ni Jack ang kamay niya't siya namang tinanggap ni Ashley.

"Tsk!" rinig na rinig ang pagsinghal ni Theo, hindi pa rin talaga niya tanggap si Jack para sa kapatid niya. Siguro dahil sa pagiging defensive brother niya at ayaw niya lang masaktan si Ashley. "Hoy, lalaki!" tawag ni Theo.

"Uhm... may pangalan ako, Jack!"

Nag-rolled eye muna si Theo bago sumagot, "Siguraduhin mo lang na iingatan mo 'yang kakambal ko kung hindi..." kusang pagputol ni Theo sa sasabihin niya.

"Alam ko, ako nang bahala kay Ashley. Pinapangako kong iingatan ko siya't hindi sasaktan."

Wow! Tila hinihingi na talaga niya ang basbas ni Theo. Magkasabay na lumabas ng mansyon ang dalawa gano'n din ang iba. Naiwan kami ni Theo. Inabot niya ang kamay niya't ibinigay ko naman ang akin.

My Name is Mouse (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon