My name is Mouse 2: New Beginning

19 2 1
                                    


MABILIS lumipas ang dalawang buwang bakasyon. Buwan ng Hunyo, taong 2002. Ngayon ang umpisa ng klase ko bilang freshman sa Joan of Arc Women's College sa Maynila. Nakatira ako ngayon sa isang boarding house, may kaunting kalayuan sa eskwelahan pero mabalis lang naman makarating.

Kasama ko sa boarding house si Lyka, magkatabi kami ng kuwarto. Single bed lang at may kaliitan ang mga kuwarto sa boarding house. Sakto lang sa para sa isang tao.

Ngayon ay nakatayo sa harapan ng gate ng school. Maraming pumapasok na mga babaeng estudyante. Depende sa course ang uniporme. Naka-white slacks pants, black shoes na may 2 inches na takong at blue blouse na parang pang office ang style. Ganito ang uniporme namin sa education course.

Kinakabahan ako sa unang araw ng pasukan pero, excited na rin. Hindi kami magkasabay ni Lyka dahil magkaiba kami ng schedule. Baka mamaya magkita kami sa lunch break. Naglakad ako patungo sa building A kung nasaan ang first subject ko. Sa collage kasi ikaw mismo ang pupunta sa bawat classroom ayon sa subject mo. Hindi tulad sa high school na may iisang classroom lang.
Ang laki nitong eskwelahan, nakakapanibago. Napatingala ako sa building kung nasaan ang classroom ko. Huminga ako nang malalim. Kaya mo 'to, Mouse!

Pumasok ako sa loob ng building. Ano kaya ang mangyayari? Kinakabahan ako sa mga bago kong makakasama. Masungit kaya ang prof. namin? Ugh! Bahala na!

Room 201, English ang first subject ko. Hmmm... naku! Baka ma-nose bleed ako nito. Mukhang ako pa lang ang tao, a. Pagkapasok ko biglang may bumangga mula sa likod ko.

Naitulak niya ako't tumama ang tuhod ko sa simento. "Aray!"

"S-Sorry, miss!"

Inangat ko ang mukha ko para makita ang taong bumangga sa akin. Natulala ako sa ganda niyang babae. Tuwid na mahaba ang buhok, morena, gandang Pilipina at... ang ganda rin ng korte ng katawan niya.

"Ayos ka lang ba? Sorry talaga!" tinulungan niya akong tumayo.

"O-Okay lang, galos lang naman." Pinagpag ko ang tuhod kong may gasgas. Bakit ba palagi na lang akong minamalas tuwing umpisa?

May kinuha iyong babae sa loob ng bag niya. Naluhod siya't nilagyan niya ng ban aid ang tuhod ko.

"Pasensya ka na talaga! Akala ko male-late na ako kaya nagmadali ako." Tumayo siya't nayuko sa harap ko. Ang hinhin ng boses niya't mukha siyang magalang at mabait na babae.

"Hayaan mo na..."

"Jury Tachibana, Jury na lang ang itawag mo sa akin." Inabot niya ang kamay niya't nakipag kamay naman ako.

"Mouse," pakilala ko.

Nagulat siya. "Mouse? As in daga?" taka niya.

Hindi naman ako nahiyang ipakilala ang sarili ko. "Tama! Ako si Mouse, isa akong daga! Hehehe, joke lang!"

Natawa siya pero mahinhin ang dating. "Ang cute naman.

"Mouse Wilson, Mouse na lang din ang itawag mo sa akin."

"Nice to meet you, Mouse."

"Nice to meet you rin, Jury."

Naupo kami ni Jury sa magkatabing upuan. Nagdatingan na rin ang mga kaklase namin. Habang naghihintay ng professor nagkuwentuhan muna kaming dalawa. Si Jury pala ay half Japanese, kaya tunog Japanese ang apelyedo niya. Singkit nga ang mga mata niya na parang sa mga Hapon pero hindi siya totally mukhang Japanese. Mas lamang pa rin ang pagiging Pinay niya.

Magkasing edad pala kami ni Jury. 16 going 17 years old kami pareho. Sa maiksing sandali ang dami na namin biglang napag-usapan nang dumating din ang prof. namin. Mukhang masungit ang English prof. namin. Mukha siyang si Miss Mercedes na may masungit na awra.

My Name is Mouse (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon