Gathering

83 2 0
                                    


NANG makarating kami sa magara at malaking mansyon ipinarada ng driver ang sasakyan sa tapat ng malaking gate. Sinalubong kami ng mayordomo ng mansyon mukhang isang malaking salu-salo ang magaganap ngayong gabi.

Pinapasok kami sa loob bumulaga sa harap ko ang napakalaking bulwagan. Sa magkabilang gilid nakaayos ang mahahabang mesa. Maganda at halatang mamahalin ang mga desenyong nakasabit at nakalagay sa bawat sulok ng mansyon. May malaking Christmas tree malapit sa pinto. Ang daming regalo sa ilalim nito.

Sa magkabilang gilid nakalagay ang mga silya at mesa para sa mga bisita. Ang daming maid at waiter, naamoy ko ang masarap na pagkain na inihahain nila sa bawat mahahabang mesa. Hmm...ang bango! Ginugutom na tuloy ako.

Ramdam ko ang pagkalam ng tiyan ko. Nakakapanglaway.

"Mrs. Lewis, maligayang pagdating!" Tinig ng matandang lalaki.

Sinalubong kami nang nasa edad fifty na matanda? Kasama ang asawa niyang mukhang nasa edad forty. Mas mukha itong bata kaysa sa lalaki. Nakipag beso-beso sa kanila ang mag-asawa, ganoon din si Mrs. Lewis at Mister Finn. Ipinakilala naman ni Mister Finn ang dalawa niyang pamangkin sina Ashley at Theo, saka niya ako ipinakilala sa mag-asawa. Nagbigay galang ako at nakipagkamay sa kanila.

"Kumusta po kayo, ako nga po pala si Mouse."

Tiningnan lang ang kamay ko ng mayamang mag-asawa.

"O-okay na, bata! Alisin mo na ang kamay mo." Sumenyas ang asawang babae na parang itinataboy ang kamay ko.

Napaatras ako sa ginawa ng babae ibinaba ko nang tuluyan ang kamay ko. Tahimik na ikinubli ang sarili sa likod ni Mister Finn. Naalala ko ang nakaraan, ang buhay ko sa ampunan noon. Ang mga mayayamang nagdo-donate sa mga ulilang katulad ko. Parepareho talaga ang mga mayayaman, hindi pa rin nawawala sa puso ko ang ganitong hinanakit.

Nang dumating ang magandang babaeng kasing-edad ni Mister Finn, mahaba ang legs, nakasuot ng red fitted dress, ang pinaka ayaw kong kulay sa lahat! Mahaba at tuwid ang buhok hanggang bewang. Halatang naka-make up, ang kapal ng eye liner sa mata. Sumasakit ang ilong ko sa matapang niyang pabango. Napansin ko ang mahaba at kulay pula niyang kuko nang hawakan niya sa balikat si Mister Finn.

"Siya nga pala si Rosalinda Pelaez at siya naman si—"

"Hindi ko na kailangan malaman tayo na, Finn!"

Ipapakilala sana ako ni Mister Finn sa kanya nang hatakin siya nito patungo sa harap. May mahabang mesa roon nakaharap sa bulwagan doon yata sila uupo at haharap sa mga bisita mamaya. Hindi na nagawang tumanggi ni Mister Finn nang palibutan sila nang maraming tao.

Bumulong si Mrs. Lewis, bahala na raw muna si Miss Mendez sa aming tatlo. Kumain daw kami o tumingin-tingin sa paligid basta huwag lang daw kaming lalayo at lalabas ng mansyon. Nagpaalam ako kay Miss Mendez na magpapahangin sandali sa balkunahe, pinayagan naman niya ako.

Hay! Ang sarap ng hangin! Nang maisipan kong gawin ang isang bagay.

Lumabas ako ng gate alam kong pinagsabihan ako na huwag lalabas. Dito lang naman ako sa malapit, maglalakad-lakad. Mayamaya naramdaman kong may pumatak na tubig sa pisngi ko. Nagsimula nang umulan sumilong ako sa maliit na waiting shed 'di kalayuan. Ayoko pang bumalik sa mansyon, dinama ko ang lamig dito sa labas. Mas panatag ang loob ko rito, alam ko namang hindi ako nababagay sa engrandeng kasiyahang iyon.

Para lang iyon sa mga mayayaman.

Lalo pang lumakas ang ulan nababasa ang katawan ko dahil may kasama na itong malakas na hangin. Humanap ako ng ibang masisilungan. Tumakbo ako sa ilalim nang malakas na ulan hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa mansyon. Madilim ang paligid mukhang sira pa ang ilaw sa mga poste.

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now