Failure

109 3 0
                                    


MAAGA kaming pinaglinis ni Miss Mercedes, may klase sa umaga ang mga maliliit na bata kami naman sa hapon. Dalawa ang bahay dito sa ampunan. Itong nililinis namin ay bahay kung saan kami natutulog. Katabi nito ang bahay kung saan kami tinuturuan parang maliit na eskwelahan. Tinuturuan kami ng mga volunteer teachers at iba pang lokal na organisasyong nangangasiwa sa edukasyon ng mga mahihirap. Natuto kaming bumasa at sumulat dahil sa kanila. Sila rin ang dahilan kung bakit gusto kong maging guro paglaki ko. Mayroon silang magandang hangarin at mabuting puso.

"Mouse, itigil mo muna 'yan pinaptawag tayo ni Miss Mercedes," tawag ni Jack.

"Bakit daw?" tipid kong tanong.

"Malay ko? Sumunod ka na lang, ang dami pang tanong!" masungit niyang sagot. Si Jack talaga kahit kailan ang sungit. Sa aming lahat dito sa ampunan pumapangalawa si Jack kay Miss Mercedes sa kasungitan. Matangkad siya't moreno, magandang lalaki rin itong si Jack, balita ko nga may crush sa kanya ang ibang tindera sa palengke.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" Napansin ni Jack ang panay tingin ko sa kanya. Ito kasing si Jack kapag nagsasalita parang malakas na businang dumadagundong sa tainga. Napapatakip tuloy ako ng dalawang tainga ko.

"Para kang ewan," suplado niyang tukso.

Pagkarating namin sa loob ng opisina ni Miss Mercedes, my babaeng nakaupo sa tabi ng mesa. Ang ganda niya. Mukha siyang mayaman pero, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Maamo kasi ang mukha niya at hindi mukhang mayabang. Maiksi ang buhok, morena at maganda ang hubog ng katawan. May mapulang labi at manipis na makeup.

"Kumusta kayo mga bata?" bati ng magandang babae.

"Mabuti naman po, kumusta rin po?" sabay-sabay naming sagot. Kumikinang ang ngiti ng magandang babae litaw ang maputi niyang ngipin nahiya tuloy ako, hindi pa kasi ako nagto-toothbrush. Inamoy ko ang sarili ko hindi pa rin ako nakakaligo, si Jack kasi ayaw tumulong hindi tuloy ako nakaligo kaagad.

Napatingin silang lahat sa akin nang bigla akong humatsing nang malakas. Nagtawanan silang tatlo maliban kay Jack, napailing na lamang siya sa paghatsing ko. Naramdaman ko ang uhog na nag-uunahang lumabas sa ilong ko. Ginamit ko ang kamay ko pampunas ng sipon may natira pa at dumikit ito sa pisngi ko.

"Teka, may sipon ka sa pisngi." Pinahiran ng magandang babae ang sipon sa pisngi ko.

"Hmm... ang bango n'yo po! Hindi po masakit sa ilong ang pabango n'yo tapos, ang ganda n'yo po talaga! Tingin ko po, nasa twenty years old lang kayo pero, hindi po ako sigurado—"

"Mouse!" biglang sumabat nang pasigaw si Miss Mercedes.

Tumaas na naman ang isang kilay niya't tinitigan ako nang masama. Narinig kong nagtawanan ang mga katabi ko, maliban kay Jack. Humingi agad ako ng sorry, nadala lang talaga ako ng paghanga sa magandahang babae. Napabuntong-hininga na lamang si Miss Mercedes saka ipinakilala sa amin ang napakagandang bisita.

"Siya si Mrs. Erina Drew. Naghahanap sila ng mga high school student na mabibigyan ng scholarship. Kailangan n'yo lang makapasa sa ibibigay nilang exam. Si Jack ay 4th year, sina Tony at Linda ay 2nd year at sina Moli at Mouse ay 1st year sa darating na pasukan."

"Sana makapasa kayo sa exam, ibinigay ko na ang iba pang detalye kay Miss Mercedes, siya na ang bahalang magpaliwanag ng lahat. Good luck sa inyo."

Nakakagaan ng loob bawat: ngiti, salita at kilos niya. May kakaiba rin siyang amoy na nagpapalukso sa puso ko. Maiinit ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit? Isa-isa niya kaming kinamayan ang init ng palad ni Mrs. Drew. Pagkatapos sinamahan siya ni Miss Mercedes at inihatid sa labas ng gate. Sinilip namin siya mula sa bintana hanggang sa tuluyan na siyang umalis hindi pa rin mawala ang masarap na pakiramdam na naramdaman ko mula sa kanya.

My Name is Mouse (On-going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن