My Name is Mouse 2: Jury's brother, Hiro

14 2 0
                                    


HINDI ko na alam ang isasagot ko sa tuwing tinatanong ako ni Mrs. Lewis tungkol kay Lyka. Tuwing kinukumusta niya ang kalagayan ni Lyka rito sa boarding house. Palagi kasing tumatawag ang magulang ni Lyka, nanghihingi ng pera si Lyka sa mga magulang niya. Kaya tuloy sa akin ipinapatanong kung may alam ba ako kung saan ginagamit ni Lyka ang pera. Ang tuition fee kasi ni Lyka ay pinapadala ng parents niya kay Mrs. Lewis mismo. Dahil wala pa namang bank account si Lyka, umuuwi mismo si Lyka para kuhanin ang padalang pera sa mansyon. Pero may karagdagang hinihingi si Lyka at malimit dinadahilan ni Lyka ay dahil sa projects? Hay! Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kanya.

Nakaupo ako sa waiting shed naghihintay ng jeep papunta sa meeting place namin ni Jury. Ngayong Linggo kasi inaasahan ako ng pamilya niya na dadalaw sa kanila. Matitikman ko na rin ang ipinagmamalaking ramen na specialty ng papa niya. Nang dumating ang jeep, sumakay ako't naghintay hanggang makarating sa mall.

Taga-Taguig City sina Jury, at sa isang mall kami nakatakdang magkita. Nang makarating ako, kaagad kong nakita si Jury sa babaan ng jeep.

"Jury!" tawag ko habang papalapit sa kanya.

"Mouse!"

"Kanina ka pa?" tanong ko.

Umiling siya. "Kararating ko lang. So, tayo na?"

Tumango ako't sinundan ko siya sa paglalakad. Naka-short at round neck t-shirt si Jury, terno ang kulay bule na suot niya. Halatang-halata ang mahaba niyang legs, ang tangkad talaga niya.

"Tara sasakay tayo ng jeep papunta sa amin." Pumara ng jeep si Jury.

Sumakay kami't naupo sa bandang likuran ng driver. Nag-abot ng bayad si Jury, sagot na raw niya. Ilang sandali pa nang pumara si Jury, medyo malapit lang din pala ang lugar nila.
Bumaba kami sa kanto at pumasok sa isang residential area. Hindi ito tulad sa Sun rise subdivision, na malalaki ang bahay. Dito iba-iba ang laki ng mga bahay at maraming kung anu-anong tinda sa banketa. Masigla ang lugar nila, maraming mga batang naglalaro sa kalsada. Marami ring tindahan na makikita at marami ring maliliit na establishment na nakatayo.

"Nandito na tayo." Natigil si Jury sa paglalakad.

Sa kakagala ng paningin ko hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa kanila. Unang umagaw sa pansin ko ang signboard nila sa harap na Japanese ang sulat. Tapos may nakalagay na 'Tachibana's Ramen House'.

"Jury, iyan na ba ang kaklase mo?" Lumabas ang may edad nang babae, siya siguro ang mama ni Jury. Pinay na pinay ang hitsura, kuhang-kuha ni Jury ang morenang kutis ng mama niya.

"Taidama!"

Nagulat ako nang magsalita si Jury ng Japanese.

"Okaerinasai, Jury-chan," sagot ng lalaking kalalabas lang mula sa parang kusina. Singkit ang mga mata, may katabaan ang tiyan, maputi, matangos ang ilong at hitsurang Hapon. Siya yata ang papa niyang Japanese.

Bumulong sa akin si Jury, "Ang sabi ko kanina, I'm home, tapos sagot nila, welcome home."

Ah, iyon pala ibig sabihin no'n. Nangiti lang ako't tumango.

"Papa, Mama, si Mouse, po!" masigla niyang pakilala sa akin sa mga magulang niya.

Nag-bow ako bilang paggalang, ang alam ko kasi sa mga Hapon nag-b-bow talaga sila.
"Paakyatin mo na siya sa itaas," sabi ng mama niya.

Itong maliit nilang ramen house sa ibaba ay may second floor at doon sila nakatira. Bale, itong ibaba ginawa nilang negosyo. Habang umaakyat kami sa hagdan na gawa sa kahoy, rinig na rinig ko ang paglangitngit nito.

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now