Lost Dream

52 3 0
                                    


"MOUSE!" Nagising ako sa pagtawag ni Theo sa pangalan ko.

Nang mapansin kong nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Theo, kaagad kong inangat ang ulo ko't napaatras ng upo. Nakatulog kami rito sa maliit na park sa gilid ng simbahan. Sarado pa kasi ang mga pinto kaya dumito muna kami hanggang sa mag-umaga.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko nang lingunin ko si Theo.

Halatang inaantok ang mga mata niyang bumabagsak-bagsak. Isang malalim na paghikab ang ginawa niya bago ako nilingon.

"Hindi ako nakatulog, binantayan kita habang natutulog ka sa balikat ko."

"Ha? Buong gabi?"

"Oo, delikado rito sa labas. Ayokong may mangyaring masama sa 'yo."

Nagulat ako sa sinabi niya, as in buong gabi niya akong binantayan. Na-gi-guilty tuloy ako, kung alam ko lang na masusundan ako ni Theo sana hindi na lang pala ako umalis sa mansyon.

Mayamaya may lumabas na lalaki galing sa loob ng simbahan. Bukas na ang malaking pinto sa harap.

"Hayan, bukas na ang simahan, magdadasal ka ba?"

Umiling ako bago sumagot, "Aakyat ako sa kampanaryo!" biro ko.

"Sira ka ba? Bawal umakyat do'n!"

"Joke lang, tara magdadasal ako sa loob!"

Kunwari joke lang pero totoo talagang gusto kong umakyat sa kampanaryo. Hindi ko na nga pala magagawa ang gawain ko noon sa bahay-ampunan, hindi ako kilala ng mga tao rito, hindi gaya sa simbahan na kilala ako ni Father Morales.

Pumasok kami sa loob, nagdasal nang taimtim at ipinagpasa-Diyos ang lahat ng mga bumabagabag sa loob ko. Walang ibang tao sa loob ng simbahan maliban sa amin ni Theo at sa naglilinis ng simbahan. Matapos kong manalangin nang nakaluhod umayos ako nang upo't sandali kaming namalagi sa loob ng simbahan.

"Okay ka na ba?" bulong ni Theo.

"Oo, maraming salamat sa ginawa mong pagsama sa 'kin, Theo."

"Wala 'yun!"

Nakangiti akong nakaharap sa altar kung nasaan ang malaking rebulto ni Hesus sa gitna. Nasa magkabilang gilid naman ay ang imahe ni Mama Mary at sa kabila ang magkasamang Inang Berhen karga ang batang Hesus. Habang pinagmamasdan ko ang mga ito, nakaramdam ako ng kapanatagan sa puso ko.

"Ano bang pangarap mo?" biglang tanong ni Theo na nakaharap din sa altar.

Bago ko sagutin ang tanong ni Theo, biglang dumating ang maraming bata. May kasama silang matanda na sa tingin ko'y kasing edad ni Miss Mercedes. Nasa labas sila sa gilid ng simbahan, nang dumating ang pari saka isa-isang nagmano ang mga bata sa kanya. Naalala ko ang mga batang kasama ko sa Uncle Johns Orphanage, katulad din nila kami.

"Araw ng Martes ngayon, ba't sila narito?" bulong ko na narinig naman ni Theo.

"Siguro may outreach program ang simbahan mamaya kasama ang mga batang 'yan."

"Katulad ko rin sila noon. Ganyang-ganyan kami tuwing tatanggap ng donasyon sa ibang tao."

Tumayo ako't inusisa ang ginagawa nila sa labas. Napansin ko ang isang jeep na nakaparada sa gilid ng simbahan. May nakasulat sa tarpaulin sa harap, 'Mga batang anghel sa ampunan'. Kung gano'n katulad ko rin sila, mga batang nasa ilalim ng pangangalaga ng bahay-ampunan. Kalimitan sa kanila'y mga ulila, mga inabandona ng mga magulang at pinabayaan sa lansangan.

"Mouse?" Lumapit si Theo sa kinatatayuan ko.

Napakapit ako sa dibdib ko nang sariwain ang mga araw ko bahay-ampunan. Nang maramdaman kong lumapat ang palad ni Theo sa balikat ko. "Tingnan mo sila, kahit alam nilang napakahirap ng buhay nila...nakangiti pa rin sila," seryosong litanya ni Theo.

"Naitanong mo sa akin kanina kung ano ang pangarap ko 'di ba?"

"Ano nga ba ang pangarap mo, Mouse?"

"Pangarap kong maging guro, isang guro na tutulong sa mga ulilang gaya ko na makapag-aral. Gusto kong maging katulad ng mga voluntary teacher na buong pusong nag-tuturo sa mga ampunan ng walang hinihinging kapalit. Gusto ko silang tulungan para marami silang matutunan sa mundong kanilang ginagalawan..."

Tama! Nakalimutan ko ang pangarap ko. Ang dahilan ko kung bakit gusto kong makaalis sa ampunang 'yon. Nangako akong babalik ako bitbit ang katuparan ng pangarap ko, para na rin sa mga naiwang bata roon. Para sa mga susunod na batang darating sa ampunan, may isang katulad ko na babalik at tuturuan sila. Gusto kong ikuwento ang buhay ko, ang pagsisikap ko...gusto kong tumulong sa mga batang ulila gaya ko.

"Alam kong matutupad mo ang pangarap mo, Mouse."

"Salamat, Theo."

Parang lumiwanag ang buong paligid naming dalawa ni Theo. Maamo ang mukha niyang nakangiti sa harap ko. Ewan ko ba, pakiramdam ko binigyan niya ako ng panibagong pag-asa.

"Alam mo, maiksi lang ang buhay ng tao dapat nating gawin kung ano ang makapagpapasaya sa atin. Maraming pagsubok pero, may paraan para malampasan ito."

Nagulat ako nang bigla kong marinig si Theo na magsalita ng mga bagay na hindi ko inaasahan sa kanya. Mayroon pala siyang ganitong pag-iisip. Siguro nga, hindi ko pa siya lubos na kilala.

"Oh, bakit ka nakatingin sa akin nang ganyan?" Bigla siyang namula sabay lihis ng nahihiya niyang mukha.

Bahagya akong nangiti sa inasal niya. "Wala naman, lalo ko lang napatunayang...ang cute mo pala kapag ganyan ka."

"S-sira!"

Mabuti na lang at kasama ko siya.

Nang maalala ko ang layunin ko sa buhay, isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. "Theo, umuwi na tayo," nakangiti kong pag-aaya sa harap ni Theo.

Tumango lang siya bilang tugon, walang sabi-sabing hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Nilingon ko muna ang mga batang masayang naglalaro sa labas bago tuluyang umalis sa loob ng simbahan.

Habang naglalakad isang pamilyar na lalaki ang nakasalubong namin sa daan. Isang matangkad at ngayon ay makisig na binata na.

"Mouse!" bati niya.

"Jack! Ikaw nga!" pagkumpirma ko.

"Kumusta? Ano'ng ginagawa mo rito? Kayong dalawa lang ba ang magkasama?"

"Ah, eh...kaming dalawa lang." Napakamot ako bigla sa ulo ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na umalis ako ng mansyon.

Ang gwapo ni Jack. Humuhubog ang muscle niya sa katawan dahil sa suot niyang fitted shirt sinamahan pa ng fitted pants na bumagay sa kanya.

"Gumanda lalo, Mouse."

"Eh? Sira ka talaga!" Para siyang ewan na bigla na lang magsasabi na gumanda raw ako? Nakaka-blush tuloy.

"Tsk! Tapos na ba kayong magkamustahan?" Halatang naiirita si Theo sa boses niya.

"Teka, hindi n'yo ba kasama 'yong magandang babae? Iyong may blonde hair?"

"Ah! Si, Ashley? Hindi, e." Umiling ako ng ulo sabay ngisi.

"Ba't mo hinahanap ang kakambal ko?" masungit na tanong ni Theo.

Naku! Istrikto ang kapatid. Sa tingin ko may gusto si Jack kay Ashley ang kaso hindi niya ito basta-basta mapopormahan dahil sa masungit nitong kakambal.

"Gusto ko sana siyang ligawan!" Straight to the point itong si Jack.

Walang pasintabi basta lang niya sinabi? Hayan, lumilitaw tuloy ang ugat sa noo ni Theo. Kulang na lang umusok ang dalawang tainga niya sa inis.

"Ang presko mo rin, noh?" Hinarap ni Theo si Jack.

Pumagitna ako sa dalawa. "Teka, relax lang kayo!"

"Mabuti pa umuwi na tayo, Mouse!" Hinawakan muli ni Theo ang kamay ko saka hinatak para maglakad.

Lumingon ako kay Jack. "Jack! Kita na lang tayo ulit!"

"Sige! Ingat kayo! Paki kumusta ako kay Ashley! Kamo tatawag ako sa kanila!"

"Tsk! Ipapaputol ko ang telepono sa bahay!" bulyaw ni Theo.

Hay naku! Mga lalaki talaga. Ano kayang magiging reaksyon ni Ashley kapagnalaman niyang may gusto sa kanya si Jack at balak siya nitong ligawan...hmmm...

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now