Mouse is in love?

82 3 0
                                    


INILIBRE ako ni Mister Finn ng meryenda sa isang cute at class na coffee house habang nasa kotse si Theo, sa parking lot naghihintay. Nag-shoping kasi ang dalawang kambal sinamahan sila ni Mister Finn, pinasama na rin niya ako para raw makalabas-labas naman ako ng mansyon. Masarap ang parfait nila ang laki at ang daming laman—ang tamis! Strawberry chocolate flavor ang in-order ko. Ice coffee lang ang kay Mister Finn. Nakaupo kami sa dulo katabi ng glass window. Grabe, ang saya! First time ko sa ganitong coffee house. Amoy na amoy ang aroma ng kape at matatamis na tinda nila.

"Salamat po Mister Finn!"

"Ha-ha-ha! Mukhang nag-e-enjoy ka talaga, a."

Tumayo bigla si Mister Finn. "Sandali lang Mouse, ibibili ko lang ng cake ang kambal, paborito kasi nila ang cake rito." Umalis siya at nagtungo sa counter.

Napansin ko ang pitaka niya na naiwan sa upuan. Kaagad ko iyong kinuha upang ibigay sa kanya nang mapansin ko ang isang nakaipit na bagay. Malapit na itong malaglag mula sa pagkakaipit sa pitaka.

Nang tingnan ko ito, isang larawan? Larawan ng magandang babae mukha siyang mayaman at napaka elegante ng hitsura niya. Napansin ko sa counter si Mister Finn mukhang kinakapa niya ang pitaka sa likod ng pantalon. Ibinalik ko sa loob ang larawan saka ibinalik ito sa kanya. Bumalik ako sa puwesto namin nang may pagtataka...sino kaya ang babaeng iyon?

Pagkatapos namin magmeryenda nagpunta kami sandali sa park. Nagpahinga at nagkuwentuhan, marami akong sinabi sa kanya. Mga naging buhay ko noon sa ampunan at buhay ko ngayon. Marami akong ipinagpasalamat kay Mister Finn. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas sa ilang buwan na 'yon masasabi kong malaki ang nabago sa buhay ko.

"Parang kailan lang nang una ko po kayong makilala, Mister Finn."

"Oo nga...ang bilis ng panahon, dalagang-dalaga ka na ngayon."

Magkatabi kami sa upuan halos magkadikit na kami. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nagsasalita siya ngayon. Ang laki nang ngiti niya, ang sarap niyang tumawa. Ang lahat ng kilos ni Mister Finn, nakakapagpabuhay ng dugo ko sa katawan. Parang may kakaibang kuryenteng dumadaloy sa kalamnan ko. Idagdag pa ang malambing niyang pakikitungo sa akin, Hay! Hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya simula noong una ko siyang makilala—para talaga siyang isang prinsipe!

Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya, naka-focus lang ako sa katawan at mukha ni Mister Finn. Nang bigla niya akong mapansin na nakatitig sa kanya.

"M-Mouse?" Bigla niya akong tinitigan nang matagal. "Parang namumula ang pisngi mo? May sakit ka ba?"

Inilapat niya ang palad niya sa noo ko at dinama ang temperatura ng katawan ko. Lalong tumindi at bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis na para akong napapaiktad sa kaba. Nakakahiya sa harap ni Mister Finn na makita akong nagkakaganito.

"A-ayos lang naman po ako..." Kung alam niya lang na siya ang dahilan ng pamumula ko ngayon...

"Mabuti pa, umuwi na tayo para makapagpahinga ka," malambing niyang bulong.

Tumayo siya at iniabot ang kamay sa harap ko tinitigan ko muna iyon nang sandali bago ko inabot. Magkahawak kamay kaming naglakad hanggang makarating sa parking lot. Napansin ko kaagad si Theo, nasa labas ng sasakyan at naghihintay. Nakita niya kaming magkahawak kamay ni Mister Finn. Pumasok sa loob si Mister Finn, nakabukas naman ang pinto sa likod. Naunang pumasok si Theo sinundan ko naman siya sa loob.

Nang makauwi kami ng bahay binitbit ng mga katulong ang mga pinamili nila. Aakyat ako ng kwarto nang sabayan ako ni Theo sa hagdan nahinto ako nang marinig ko siyang bumulong sa tabi ko.

My Name is Mouse (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon