Her real name part - 2

43 3 0
                                    


NAGKAROON ng power outage sa kalakhang Maynila dahil sa bagyo. Kasalukuyan akong nasa loob ng kuwarto ni Mrs. Drew. Nakatulala at nanginginig ang buong katawan ko sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa paulit-ulit niyang tanong.

"M-Mrs. Drew," takot na banggit ko sa pangalan niya.

"Mouse, paki usap! Sagutin mo ang tanong ko, saan mo nakuha ang kwintas na 'to?" Nangingilid ang luha niya habang hawak ang kwintas ko.

"S-Sa akin po ang kwintas na 'yan nakasuot po sa akin 'yan noong natagpuan ako ni Father Morales sa pinto ng simbahan. May kasama pa pong sulat 'yan na hanggang ngayon hindi ko pa rin po binabasa."

Sa pagkabigla napatakip ng bibig si Mrs. Drew, nilapitan niya ako at dahan-dahang hinimas ang mukha ko sabay niyakap nang mahigpit. Lalong bumuhos ang mga luha ng aking guro, parang malakas na bagyo ang pag-iyak niya, hanggang sa...

"Mouse! Ikaw si Amelia, ikaw ang nawawala kong anak! Diyos ko! Natagpuan din kita! Hindi ko alam na matagal ka na pa lang nasa tabi ko!" umiiyak na pagtatapat ni Mrs. Drew sa harap ko.

Wala akong reaksyon, hindi ko alam ang sasabihin o ikikilos ko sa mga sandaling ito. Si Mrs. Erina Drew ang tunay kong ina? H-Hindi ako makapaniwala!

"P-Paanong? Paano nangyari? Kayo po ang tunay kong ina?" nauutal kong litanya sa patuloy na umiiyak na ginang.

"Kay George ang kwintas na ito, ipinahabilin niya sa nurse na itabi ito sa 'yo bilang regalo sa pagdating mo sa buhay namin. Kaso, ninakaw ka at inilayo sa amin ng ama mo. Ito ay isa sa natitirang alaala ng ama mo, Amelia!"

Sandaling natungo si Mrs. Drew sa aparador at may kinuha na maliit na box. Binuksan niya ito at ipinakita sa harap ko ang isang maliit na susi. Ipinasok niya ito sa susian na nakalagay sa gitna ng heart shape pendant na hawak niya. Bumukas ito at ipinakita niya sa akin ang nasa loob.

"Ito ang larawan namin ni George, siya ang tunay mong ama. Nakakalungkot lang na...hindi mo na siya makakasama." Biglang napaluhod sa sahig si Mrs. Drew.

Nagkaroon ng sandaling pagkalito sa isip ko. Pumasok sa isip ko ang maraming bagay. Si Mrs. Drew na naging idolo ko sa maraming bagay. Siya na palaging nagbibigay ng payo at suporta lalo na pagdating sa pag-aaral ko. Ang gurong nais kong maging ay siyang tunay kong ina? Ang tunay kong ama na hindi ko na makakasama ang lalaking dahilan kung bakit ganito ang hitsura ko. Ang tunay kong ama na sa larawan ko na lang makikita...

"M-Mama? Kayo po ang mama ko? Hindi ko na po inaasahang makikita ko pa po kayo—iniwan n'yo po ako!" Sandali akong napaatras ng hakbang. "Ang sabi ko po noon kay Father Morales, galit po ako! galit po ako sa mga magulang ko na nang iwan sa akin sa simbahan!"

"Hindi kita iniwan! Hinding-hindi ko gagawin 'yon! Maniwala ka!" Tumayo si Mrs. Drew, saka nagkuwento sa nakaraan, ikinuwento niya ang lahat ng pangyayari sa buhay ng aming pamilya.

Nakaraan...

"Kasal ako kay George noong dumating kami rito sa Pilipinas. Nakilala ko ang una kong asawa noong nagtatrabaho pa lang ako sa Great Britain bilang tutor ng bata. Kamag-anak ng pamilya ng bata si George Wilson na isang briton. Doon kami nagkapalagayan ng loob. Wala na akong pamilya rito sa Pilipinas dahil parehong pumanaw na ang ama at ina ko. Ang mga kapatid ko naman ay nasa ibang bansa na rin nakatira. Dito kita ipinanganak nang bumalik kami rito ni George, ang kaso saglit lang kita nahawakan sa aking mga bisig. Habang nasa loob ka ng nursing area may nagpanggap na nurse at pumasok sa loob. Nang malaman namin huli na. Wala ni isang nakapansin sa impostorang nagpanggap na nurse at ninakaw ka sa amin. Ipinahanap ka namin sa mga pulis lahat nilapitan na namin pero, bigo kami! Sunod-sunod na trahedya ang dumating sa buhay naming mag-asawa. Ninakawan at pinatay si George matapos manlaban sa mga tumambad sa kanyang mag-nanakaw. Ilang saksak ang tinamo niya sa katawan. Gumuho ang mundo ko nang makita siyang walang buhay sa ospital. Hindi ko kinaya! Nag-break down ako, nawala ako sa sarili. Kahit noong libing ng asawa ko, tulala pa rin ako hindi makausap nang maayos. Mabuti na lang at may nagmadangang loob sa akin na tumulong. Si Mrs. Lewis at ang lalaking bumuong muli sa nawasak kong buhay, si Richard. Silang dalawa ang naging savior ko noong mga panahong iyon. Kinupkop ako ni Richard at tinulungang hanapin ka pa rin. Hindi ako nawalan ng pag-asa noon hanggang sa ideklara nilang wala nang pag-asa't maaaring patay ka na."

My Name is Mouse (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon