My Name is Mouse 2: Rebound

10 2 0
                                    


LUMAGABOG ang pinto ng locker room ng bumukas ito nang malakas. Nagulantang kaming dalawa ni Lyka at takot na lumingon. Magkahawak kamay kaming dalawa at parehong nangangamba. Tumayo ako, hinarang ko ang katawan ko siniguradong mapoprotektahan ko si Lyka.

"M-Mouse..."

Tahimik lang ako't nakiramdam kung sino ang nagbukas ng pinto. Nang pumasok sa loob si...

"Jasper!"

Nakangisi siya na parang may masamang balak sa mga tingin niya. "Tingnan mo nga naman—"

"Mouse, Lyka!!!"

Hindi pa man lubos na nakakapasok si Jasper nang dumating si France sa tapat ng pinto. Mabilis niyang hinatak sa balikat si Jasper saka binigyan ng malakas na suntok sa mukha.

"Hayop ka talaga, Jasper!" sigaw ni France pagkatapos ay humarang kaagad sa gitna upang protektahan kami ni Lyka.

"Ayos lang ba kayo?" tanong niya habang nakatalikod.

"O-Oo!" sagot ko.

Inakay ko si Lyka para tumayo. Gumilid kaming dalawa para makaiwas at hind imaging sagabal kay France. Sumugod si Jasper nakahandang bigyan ng ganting suntok si France, nang biglang...

"Itigil n'yo 'yan!!!" sigaw ng gwardiya.

Pumasok sila sa loob kasama si Jury. Mabilis naman akong pintunahan ni Jury at tiningnan ang kalagayan ko.

"Sumama kayo sa guidance office ngayon din!" sambit niya.

"Jury!" sambit ko.

"Huwag kang mag-alala, Mouse. Isinumbong ko sila kay manong guard, nasa panig natin ang sila. Malalagot 'yang mga 'yan pati si Ivy."

Tumango ako bilang tugon sa sinabi ni Jury. Mabuti na lang at natunugan ni Jury ang mga nangyari. Hinawakan sa kuwelyo si Jasper saka hinatak palabas ng locker room.

"Huwag mo nang subukang tumakas," babala ng gwardiya.

Sumunod kaming lahat sa kanya papunta sa guidance office.

"Mouse, natatakot ako." Mahigpit ang kapit sa akin ni Lyka.

"Huwag kang mag-alala, magsasabi lang tayo ng totoo. Walang mangyayari sa ating masama," paniniguro ko.

Batid ko ang pag-aalala ni Lyka. Maging ako natatakot din pero hindi ko pinapahalata. Kailangan kong maging matapang para sa aming dalawa. Nang kumawala sa braso ko si Lyka at nilapitan niya si France.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jury. "Ayos lang ba sa 'yo ang relasyon nila?" bulong ni Jury sa tainga ko.

"Alam kong seryoso si Lyka kay France, hindi ko lang alam kay France. Pero sa ngayon, hayaan muna natin," bulong kong sagot pabalik kay Jury.

Tumango lang siya at nagpatuloy kami sa pagsunod.

***

MATAPOS ang mahabang diskusyon naparusahan sina Jasper, Ivy at iba pa ng one week suspension. Matapos papuntahin ang parents nila at kausapin ng guidance counselor at head admin sa guidance office nabigyan sila ng suspension note at warning. Palibhasa may kaya ang mga parents nila kaya madaling naareglo at hindi sila tuluyang na-kick out. Nabigyan pa sila ng pagkakataon at one week suspension lang ang tinanggap nila. Ikinulong lang naman daw kami at napag-tripan ayon kina Ivy. Hindi ko naman nagawang sabihin ang asultong ginawa ni Jasper sa akin sa labas ng campus. Hinayaan ko na lang pero masama pa rin ang loob ko sa nangyari. Isang kasulatan ang nilagdaan nila na hinding-hindi na nila kami gagalawin. Isang pangako na kapag pinako nila, madaragdagan ang kasalanan nila. Sa susunod na kaparusahan ma-ki-kick out na talaga sila.
Mabuti at hindi na kinailangang ipatawag sina Mama para sa nangyaring ito. Siguro naman magtatanda na ang mga iyon.

My Name is Mouse (On-going)Where stories live. Discover now