Ashley and Jack

27 2 0
                                    


DALAWANG araw bago ang graduation day namin nang dapuan ng mataas na lagnat si Ashley. Hindi siya nakapag-practice ngayong araw. Matapos ang practice sa school kaagad akong dumeretso sa mansyon upang tingnan ang lagay niya. Nag-aalala kaming lahat sa kalagayan niya.

Tulog si Ashley nang dumating kami nina Theo at Lyka sa kuwarto niya galing sa school. Hindi na namin siya inistorbo't hinayaan na lang muna siyang magpahinga. Kitang-kita ko kung paano siya hinahapo habang natutulog. May basang basahan sa noo niya't nakasuot siya ng damit pantulog. Binabantayan siya ni Miss Mendez habang kami nama'y kinausap ni Mr. Davies sa labas ng kuwarto.

"Ano pong sabi ng doktor?" nag-aalala kong tanong.

Huminga nang malalim si Mr. Davies. "Napagod lang daw ang katawan ni Ashley kaya siya nilagnat."

"Gagaling naman po siya kaagad bago sumapit ang graduation, hindi po ba?" tanong ko ulit.

"Sana..." Humawak sa pinto si Mr. Davies. "Madaling mapagod si Ashley, hindi talaga malakas ang katawan niya sa mga pisikal na gawain lalo na ang mabibigat."

"Para siyang si Mommy, 'di ba, Daddy?" singit ni Theo.

"Parang gano'n na nga. Pareho silang mag-ina. Pero, huwag na kayong mag-alala. Malakas na dalaga si Ashley." Ngumiti si Mr. Davies.

"Totoo po 'yan! Gagaling din kaagad si Ashley!" sabi ko.

Mayamaya'y nag-ring ang cellphone ko. Lumayo ako upang tingnan kung sino ang tumatawag. Baka si Johan o si Papa?

Nang i-check ko, number lang at hindi naka-regester sa phone book ko. Sinagot ko ang tawag nang mabigla ako sa lakas ng boses ng lalaking nasa kabilang linya.

"Mouse! Kumusta si Ashley?!" nagmamadaling tanong ni Jack. Halatang alalang-alala siya.

"Mataas pa rin ang lagnat niya pero sabi ng daddy niya magiging maayos din naman kaagad ang lagay niya. Napainom na siya ng gamot kaya tulog siya ngayon."

"Ah, gano'n ba? Kaya pala hindi siya nasagot sa tawag ko ngayon lang. Kanina kasi ka-text ko siya. Sorbrang nag-aalala ako sa kalagayan niya."

"Halata naman sa boses mo."

Sandaling tumahimik si Jack. "Hello? Jack?"

"Uhm... Mouse," tawag niya sa pangalan ko na parang may gustong ipakiusap.

"Bakit?"

"Kasi... gusto ko sanang dumalaw d'yan. Gusto kong personal na kamustahin ang kalagayan ni Ashley. Kaso, alam mo na... baka—"

"Si Theo?"

"Oo! Alam mo namang mainit pa rin ang dugo sa akin ng kakambal niya. Tapos, balita ko pa umuwi na raw ang daddy nila? Gusto kong pormal na magpakilala."

Wow! Ang lakas ng dating ni Jack.

"Eh, 'di pumunta ka! Sasalubungin kita para may kasabay kang pumunta rito sa mansyon. Ipapakilala na rin kita kay Mr. Davies."

"Talaga?! O-Osige! Salamat! Pupunta ako ngayon gabi. Tinatapos ko pa kasi itong training ko. Tatawagan kita ulit mamaya."

"Okay sige!"

Call ended. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulasa ko't bumalik sa loob ng kuwarto ni Ashley. Naroon na rin sila sa loob at mukhang gising na rin siya. Pagkapasok ko sa loob kaagad ko siyang tinabihan.

"Ashley, kumusta na ang pakiramdam mo?" mahina kong tanong. Naupo ako sa upuang katabi ng kama niya.

"Ayos naman, ginugutom lang."

My Name is Mouse (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang