"Bukas na pala ang camping" saad ni jasmine. Napatango kami. Bukas na din kami magpapanggap, hays.

---

"Sa tingin mo. Magiging successful ba ang mission natin?" Tanong ko kay yabang. Hininto niya yung kotse sa isang tabi. Yeah, hihahatid niya ako pauwi.

"Maybe, kung hindi tayo mabibisto" tumingin siya sakin. "Bakit lutang ka maghapon? What's your problem?"

"Hays, iniisip ko lang kung bakit tayo ang inutusan sa ganito? Eh, wala namang alam sa ganito sila winnie madadamay lang sila sa gulo nina dean max at nila stepher"

"Naisip ko rin yan, eh. May nalalaman na ba si dean max tungkol sayo?"

"Haha, babe! Ano ka ba! Sarili ko ngang mga kasama sa organization hindi ako kilala tapos si dean max na hindi pa ako lubusang kilala alam niya na?! Your kidding me, babe" sa totoo lang kinabahan ako sa sinabi niya. What if nga?! Hays, binigyan mo ako ng bagong isipin.

"Sabagay, sa ganiyang ugali mo dito. Hindi ka agad mabibisto ni sinuman"

"So, anong tingin mo sakin dito? Abnoy dito tapos doon katok?" Natawa siya na kinasama ko ng tingin.

"Ganun na nga, hahaha"

"Ang sama mo sakin, ah" napatingin ako sa bintana. "Daan muna tayo sa bahay nila xylorh" tumaas yung kilay niya.

"Huwag mong sabihing miss mo na yung lalaki mo?"

"Oo. Miss na kita"

"Ako o si lorh?"

"Pareho ko kayong kaibigan kaya tumahimik ka" sinamaan niya ako ng tingin.

"Kaibigan? Ako kaibigan mo? Eh, sinong boyfriend mo?"

"Si yabang" tumaas-taas yung kilay ko. "Halika na. Baka gabihin pa tayo lalo"

"Tsk, whatever" at nagmaneho na siya ulit.

"Tatawagan ko lang sila Bryant, lance, zana, wayne, sam at troy"

"At bakit mo sila tatawagan?!"

"Kailangan andun din sila! Ano ba iniisip mo? Napaka-selosong yabang"

At ganun nga ang ginawa ko tinawagan ko sila. Sinabi ko rin sa bahay na lang nila xylorh kami magkita-kita. Syempre, sinabi ko rin ang address. Baka maligaw sila. Lagot pa ako.

"Gagawin ba natin dito?" Tanong niya habang nagpa-park sa gilid ng bahay nila xylorh.

"Makiki-jamming?----Hehe, just kidding" tinanggal ko yung seatbelt. "Pag-uusapan natin ang gagawin bukas. Hindi naman tayo pwedeng magplano doon diba? Kaya ito naisipan kong pag-usapan natin ngayon"

"Tsk, sa gabi talaga?!"

"May pasok kanina diba? Tsaka, 6:49pm pa lang naman. OA ka!"

"Psh, whatever" tumingin ako sa bintana. At napa-kunot noo ako ng makita ko sila sam. Ang bilis naman nilang makarating.

Sabagay, pahinto-hinto kami ni yabang. Tumingin ako kay yabang.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong ko. Tinaasan niya agad ako ng isang kilay.

"Bakit ako hahanapin? Wala naman diyan si mommy" tsk, edi. Baka hanapin ka ng daddy mo!

Bumaba na kami sa kotse niya. Napatingin samin sila Bryant.

"Nasaan na si lorh?" Tanong ni Wayne. Lumapit kami sa kanila.

"Nasa labas siguro"

"Tsk, commonsense couz" anunsyo ni zana. Napangiwi lang ako.

"Magdoorbell ka kasi para lumabas si xylorh"

"Hindi niya alam na darating tayo?" Tanong ni lance at nag-doorbell.

"Surprise ang tawag dun" Napangiwi sila sakin. Kung ini-expect niya kami edi sana lumabas na si xylorh!

"Ow, what are you doing here?" Napatingin kami sa gate. Si xylorh.

Gusto kong matawa sa suot niya. Nakasuot siya ng Mickey mouse. Regalo ko yan noon. Gustong-gusto niya kasi ng Mickey mouse kaya niregaluhan ko siya niyan. I thought hindi niya na sinusuot yan. Nagkamali ako.

"Ah, lorh.... Ahm" tinuro ni zana yung damit ni xylorh. Napatingin siya doon at agad siyang nagtakip katawan. Natawa tuloy kami.

"S-Sorry. Ahm, come in" nahihiya niyang sabi. Napailing kami at pumasok.

Walang pinag-bago ang bahay nila xylorh. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakaka-miss. Parang kahapon lang napaka-sweet pa namin tapos ngayon para na kaming hindi close na magkaibigan.

Kung hindi siguro nasunog yung CIS hindi ko pa makikilala si yabang. At siguro hanggang ngayon patay na patay pa rin ako kay xylorh. Nakakatawang isipin.

"Maupo muna kayo. Ahm, magbibihis muna ako-----"

"Hindi na. Hindi rin naman kami magtatagal" awat ko at binigyan siya ng twalya. Syempre, yung malaki. Maarte yan, eh. Katulad ni yabang.

"Ganun ba? So, what's bring you here?" Umupo kami sa sofa. Tumingin ako kay yabang. Seryoso lang siya. Para naman may ginawa akong mali. Seloso nga pala siya.

Binigay ko yung papel. Nagtataka naman niyang kinuha yun.

"Kayo na ang magsabi sa mga team niyo" tumingin ako kay sam. "I know, who you are" nagulat siya sa sinabi ko.

"H-How did you know?"

"Hindi mo na kailangan malaman" tumingin ako kay troy. Seryoso lang siyang nakatingin sakin. "Ico-cover niyo si xylorh" tumayo ako. "Sa likod kami. Sa harap kayo at sila lance naman ang sa gilid/gitna. Masikip lang ang bar doon kaya paniguradong magkikita rin lang tayo sa iisang lugar" senenyasan ko si xylorh at Bryant. Tumango-tango sila. "Tinawagan ko na rin siya" bulong ko sa kanila. Tumango muli sila.

"Ahem" tikhim ni yabang. Napatingin kami sa kaniya. "Kung masikip lang ang bar. Pwede bang konti na lang tayo ang pumunta? Mapapahamak lang tayo pag madami tayo" naisip ko rin yang sinabi niya. Pero, ang tanong papayag ba si Dean max! Eh, parang gusto niyang mapahamak kami kaya madami kaming pinapanggap niya.

"Kung gagawin natin yun? Kailangan nating itago muna sila winnie hanggat hindi pa tayo natatapos" saad ni troy. Napabuga ako ng hangin.

Tama sila kailangan naming itago muna sila winnie. Ang tanong papayag kaya sila? Siguro naman papayag sila. Sana nga, para rin naman toh sa kanila para hindi na sila mapahamak.

"I agree with them" sagot nila. Napatingin sila sakin. Napabuga muli ako ng hangin at tumango.

"I agree too"

"Good. So, what's plan?" Tanong ni yabang. Ngumisi ako at lumapit sa kanila.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now