Chapter 65: Selos

1.2K 34 0
                                    

Zyra POV

"Akala ko hindi ka pa papasok" bungad nila. Ngumisi ako at umupo.

"Miss niyo naman agad ako" nagsi-ubo sila na kinatawa ko. Tumingin ako kay yabang. "Kamusta pakiramdam mo?"

"It's better na. Bakit ngayon ka lang?" Masungit niyang tanong.

"Nag-mukmuk pa ako sa labas"

"Ah?"

"Sabi ko, kumain ka sa tamang oras. Huwag ka ding papalipas ng gutom at isa pa Mr. President Lopez magpahinga naman ho kayo. Mahiya naman ho kayo sa katawan niyo feeling niyo naman ho kasi si batman kayo. Para sabihin ko hindi ho! Tao lang ho kayo walang powers at tao lang ho kayo kaya natural nagkaka-sakit kayo. Nagsasabi bilang mag-aaral ng ISI" nagpalakpakan silang lahat. Nag-bow naman ako at nag-wagaygay ng kamay.

"Dami mong sinabi. Eh, ang sinabi mo lang naman 'nag-mukmuk pa ako sa labas'" nagtawanan silang lahat. Napangiwi naman ako at umupo ulit. Pambihirang yabang toh. Siya nga pala ang hari ng kayabangan. Bwenas.

"Oh, kumain ka" sabay bigay ng lugaw. "Yan araw-araw kakainin mo kung magtitigas ulo ka na naman" tinaasan niya ako ng kilay.

"Ayoko niyan"

"Aba! Ayaw mo? Napaka-yabang mo na nga. Napaka-arte mo pa!"

"Nakakahiya naman sayo!"

"Ayaw mong kumain?"

"Ayaw!" Ngumiti ako ng mapait. Tumingin ako sa mga kaibigan namin.

"Tara na guys----"

"Ito na! Kakain na!" Nguso niyang kinuha yung lugaw.

Ngumiti ako ng palihim. Matakutin ka pa lang yabang ka. Umupo ako sa tabi niya.

"Ako na kakausap sa Doctor" presenta ni yuan. Tumayo agad ako.

"Samahan na kita"

"Hindi na. Paniguradong aasarin mo lang ako!" Ngumisi ako.

"Bakit naman kita aasarin?"

"Huwag mo nga akong pinag-loloko"

"Huy, yuan! Bakit naman kita aasarin? Ah! Alam ko na-----"

"Huwag mo ng ituloy"

"Sus, miss niya na"

"Ano bang pinag-sasabi mo?"

"Ano daw pinag-sasabi ko! Ashu! Halika na. Sasamahan na kita. Baka makita natin siya" nagtaka yung mga kaibigan namin. Hehe, crush niya si Samantha.

"Sino namang makikita natin?!"

"Asus! Sino pa ba? Edi, si----"

"Huwag mo ng ituloy!"

"Bakit? Sino ba ang tinutukoy mo?" Maang-maagan kunwari, hehe.

"Si sa---yung babaeng transferee" natawa ako sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba, eh.

"Ah? Eh, hindi naman siya ang tinutukoy ko, eh" natigilan siya dahil sa sinabi ko.

"Pinag-loloko mo ba ako?"

"Hindi ah! Ang tinutukoy ko si doc vin!" Ngumisi ako ng malaki. Napalunok naman siya. "Ikaw yuan, ah! May hindi sinasabi. Sabihin mo nga. Miss mo na ba si Samantha---"

"Shut up!" Ngumisi ako at tumango-tango.

"Kung ganun! Bakit siya ang tinutukoy mo?" Lumapit ako sa kaniya. Napalunok siya at atras.

"H-Hindi siya ang t-tinutukoy ko!"

"Okay, sabi mo eh----ay, oo nga pala. Nakita ko si Samantha" napapikit siya. Natawa naman kami. "Nakita mo rin ba siya?----oh, saan ka pupunta?"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon