Chapter 53: Official

1K 34 0
                                    

Zyra POV

"Gusto rin kita, pandak.... Mali.... Mahal na atah kita"

Para akong nanigas dahil sa sinabi niya. Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Talaga bang gusto rin ako ni yabang?

"A-Ano kamo?" Ngumisi siya at lumayo sakin konti.

"Pag sinabi ko na ayaw ko ng ulitin pa"

"Uulitin mo o iiwanan kita dito?"

"Tinatakot mo ba ako miss vic?"

"Tinitesting ko lang, Mr. president lopez" natawa tuloy kami sa sinabi ko.

"So, we both like-----"

"Liligawan mo ako noh. Ano ka---"

"Tsk, hindi ka pa nagsawa doon? Niligawan ka noon ni troy. Then, niligawan ka noon ni lorh. Tapos liligawan din kita? Tsk, ayaw ko nun. Para maiba naman. Tayo na agad" sabay taas baba niya ng kilay. Napataas naman ang kilay ko. Ibang klase rin toh eh noh!

"Ang swerte mo naman kung ganun"

"Well, swerte talaga ako. Na-try mo naman ng ligawan ka eh. Kaya para maiba try mo yung naging kayo agad" napa-cross arm ako sa sinabi niya. "Dahil kapag naging tayo agad araw-araw pa kitang liligawan"

"Inuuto mo ba ako?"

"Inuuto nga ba kita?" Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Si yabang nga pala toh.

"Ang sabihin mo hindi ka marunong manligaw"

"Hindi nga"

"See! Yung ex mo ba hindi mo niligawan?"

"Siya nanligaw sakin" hinampas ko nga siya sa braso niya na kinatawa niya. Ang yabang.

"Bahala ka nga diyan-----"

"Ano? Tayo na ba? Alam mo pag sinabi mong oo. Ako na ang pinakama-swerteng lalaki sa buong mundo"

"Pinaglalaruan mo ba ako?" Sumeryoso siya sa sinabi ko.

"Hindi ko yun magagawa sayo. Oo, badboy akong tao pero kahit kailan hindi pumasok sa isip kong paglaruan ka" bumuga siya ng hangin. "O sige. Kung gusto mo talagang ligawan ki------"

"O-Oo na. Tayo na" natigilan kami pareho sa sinabi ko. Hindi ko ini-expect na magsasalita ng kusa ang bibig ko.

"T-Tama ba y-yung narinig ko? T-tayo na?" Tumango ako kaya mabilis niya akong niyakap habang nakangiti siya ng malaki.

Ngayon nakikita ko ng seryoso talaga siya sakin. Wala namang masama kung maging kami agad, eh. Dahil sa huli doon din lang naman ang punta namin papatagalin ko lang kung magpapaligaw pa ako. Kilala naman na namin ang isa't-isa kaya walang problema doon.

Kumalas agad ako sa yakap at binatukan siya na kinakunot noo niya.

"Para saan yun?" Taka niyang sabi.

"Bakit mo ako iniiwasan?"

"Para maalis yung nararamdaman ko sayo"

"Bakit naman?"

"Kasi sa tingin ko wala akong pag-asa sayo kaya mas mabuti ng iwasan na lang kita. Mas lalo kong gustong iwasan ka ng makita ko kayo ni mike sa likod ng building. At isa pa, baka si lorh pa rin ang gusto mo" nabuga ako ng hangin sa sinabi niya.

"Nagustuhan kita kasi lagi kang andiyan sa tabi ko. Pinapatawa mo ako o kaya pinapangiti mo ako. Nawala ang nararamdaman ko kay xylorh dahil lagi kang andiyan sa tabi ko. Lagi man tayong aso't-pusa pero kahit ganun napapangiti mo ako" hinawakan niya yung pisngi ko na kinabilis ng tibok ng puso ko.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now