Chapter 43: Dagat

953 35 0
                                    

Zyra POV

"Ganiyan ka maliligo?" Tanong sakin ni zana ng makita niya akong naglalakad papunta sa dagat kung saan sila naliligo.

"Yeah?" Tinignan ko ang suot ko. Okay lang naman, ah. Naka-swim suit ako ng damit tapos naka-maikli akong short. Para sakin mas maganda ang mag-short kesa mag-swim suit na pang-ibaba.

"Bakit short?"

"Kasi mas comfortable ako dito" sabay langoy ko. Grabe, ang lamig ng tubig.

Ang dami kasing tao dito kaya natatakot akong mag-swim suit ng pang-ibaba. Baka masilipan pa ako hindi pa naman ako dalagang pilipina kung umupo.

Sumisid din ako sa malalim at napangiti ako ng ang daming iba't-ibang corals. Langoy lang ako ng langoy hanggang sa may makita akong gold fish na malaya ring lumangoy. Nakakaawa nga lang yung iba sa kanila kasi hinuhuli sila ng mga tao upang ibenta o idisplay.

Umahon na ako mula sa ilalim at naghabol ng hininga ng hindi ko na kaya.

"Sana nag-diving gear ka na lang para maka-tagal ka sa tubig" muntik na akong magulat ng marinig ko ang boses ni yabang sa likod ko.

Parang dinambo ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng maramdaman ko ang hininga niya malapit sa tenga ko. Nagsitaasan din ang balahibo ko ng malamig na may kasamang seryoso ang pagkakasabi niyang yun. Shit, what's happening?

Lumayo ako sa kaniya at humarap. Muntik na akong ma-out balance ng makita ko ang kabuoan niya. Naka-beach short lang siya. Napapalunok akong napatingin sa six packs abs niya. Ang laman-laman pwedeng gawing ulam pero. Erase si yabang yan.

Pero, hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng katawan niya. Perfect na perfect. May mapapalad din siyang braso na nagpadagdag sa kamatsuhan niya.

Napapalunok akong nag-iwas ng tingin sa kaniya ng hindi ko na maintindihan ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi rin ako makatingin sa kaniya dahil alam kong madi-distract lang ako sa abs niya kasi yung tubig na nagmumula sa buhok niya ay unting-unting bumababa sa abs niya.

"Wala diyan ang kausap mo" rinig ko pang sabi niya. Nagbuntong hininga muna ako bago matapang na tumingin sa mata niya.

"Ano bang kailangan mo sakin? Hindi naman ako dagat"

"Ang layo ng sagot mo"

"Ano bang tanong mo, ah? Tsk, pwede ba kung mang-aasar ka na naman pwedeng bang huwag muna ngayon?" Tinaasan niya ako ng kilay at nag-cross arm siya.

"Ang layo-layo talaga ng sagot mo" inis ko siyang tinaasan ng kilay.

"Ano bang tanong mo, ah?"

"Ayoko ng ulitin. Kung nakikinig ka. Alam mo dapat yun"

"Abat, huy!" Inis na sigaw ko ng lumangoy na siya papalayo sakin.

Ano bang tanong niya? Hindi ko na maalala masyado kasi akong nadistract sa pesteng abs niya.

Nagsi-ahon na kami sa tubig ng tawagin na kami ni luis at zana. Sila kasi ang naghanda ng pagkain. Syempre, binati muna namin sila bago kami nagsikuhanan ng kaniya-kaniya naming pagkain. Ngayon kasi ang anniversary nila luis at zana.

Masaya ako para sa kanilang dalawa. Masaya ako kasi ganito ang takbo ng buhay nila. Minsan nakakainggit si zana kasi maswerte siya at nakita niya na ang para sa kaniya talaga. Minsan tinatanong ko yung sarili ko kung meron pa ba akong para sakin? Meron din kaya akong lalaking kagaya kay luis na loyal na loyal kay zana? Hays.

Nagkwento sila kung paano sila unang nagkakilala. Syempre, ako ang sinabi nila. Kung hindi ko daw pinakilala si luis sa kaniya baka hanggang ngayon naghahanap pa rin siya ng boboyfrienen.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon