Chapter 41: Sleep Over

1K 35 0
                                    

Zyra POV

"Oh, bakit ngayon ka lang?" Bungad sakin ni zana ng maka-uwi ako.

"Hinatid ko pa si yabang"

"Waahh, talaga? For real?"

"Mmm" nanlaki ang mata niya sa singhal ko. "Bukas ka na dumaldal. Inaantok na ako"

Pumasok ako sa kwarto ko at agad akong dumeretso sa banyo para maligo at magbihis.

Pagkatapos humiga na ako sa kama at natulog.

---

"Late ka atah ngayon" bungad sakin ni thea ng makapasok ako sa kusina.

"Yeah, nalate ako ng gising, eh" at nagsimula ng magtrabaho. "Ikaw? Ang aga mo, ah?"

"Mmm, sanay na kasi akong maagang nagigising" tumango na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. "A-Ahm, zy. T-Tungkol nga pala s-sa nangyari k-kagabi..."

"Mmm? Bakit?"

"P-Paano mo s-sila nakilala?"

"Matagal ko na silang kilala. Ex ko ang kuya mo at ex best friend ko naman sina pat at euna" napanganga siya sa sinabi ko.

"A-Ah? Paanong nanyare yun?"

"Sorry, pero hindi pa ako handang magkwento"

"Naiintindihan kita" tumango na lang ako at tumahimik na.

---

Nang matapos ang trabaho ko. Umuwi na ako. Pagka-uwi ko sa condo. Nadatnan ko doon sina xylorh, joy, luis, zana at jace na nanood ng Netflix.

"Oh, kumain ka na diyan" bungad sakin ni zana. Tumango naman ako at pumunta na sa dinning table para kumain.

"Saan ka pala galing?" Tanong ni luis sakin.

"Ah, sa trabaho"

"Huh? Nagtra-trabaho ka?"

"Oo"

"Bakit?"

"Anong bakit? Baliw ka ba? Kailangan kong kumita ng pera, noh!"

"Tsk, ang yaman niyo tapos nagtra-trabaho ka pa"

"Sila ang mayaman at hindi ako. Hindi ako belong sa kanila kaya hindi ako mayaman" magtatanong pa sana siya ng sinita na siya ni zana.

Pagkatapos kong kumain pumasok na ako sa kwarto ko at ni-lock ko ang pinto. Baka mag-ssleepover sila dito. Sabagay, yung vacant na kwarto may walong kama kaya pwede silang matulog doon. Tag-iisa pa sila at may sobra pa.

Mag-te-ten o'clock na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi na rin maingay sa labas baka nagsitulog na sila o kaya kumakain.

Lumabas ako sa kwarto para uminom ng gatas para makatulog agad.

Pag tingin ko. Malinis na sa sala baka tulog na nga sila. Pagkadating ko sa kusina halos atakihin ako sa gulat ng makita ko silang lahat! Oo, lahat ng kaibigan ko ay andito at umiinom sila ng beer o kaya red horse! The fuck! Anong ginagawa nilang lahat dito?! Hindi naman ito bar, eh!

"Oh, akala ko ba tulog ka na?" Tanong ni zana ng makita ako. Napatingin naman silang lahat sakin dahil sa sinabi ni zana.

"Hindi ako makatulog" taka akong tumingin sa kanila. "Anong ginagawa nila dito?"

"Ah, mag-ssleepover sila dito"

"Silang lahat?!"

"Oo, silang lahat"

"Bakit? Anong meron?"

"Ay, hindi ko pa pala nasasabi sayo. Wala ka kasi dito, eh. Bukas na kasi ang anniversary namin ni luis. So, napag-pasyahan naming icelebrate yun sa resort nila kaizer. At dahil anniversary namin iinvite ko silang lahat" napanganga akong nagtitimpla ng gatas. Akala ko ba sa resort nila xylorh? Bakit bigla naman atah nagbago ang isip ni zana? Hays, bahala na nga. "Sasama ka ba bukas?"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now