Chapter 58: New Student

1.2K 38 0
                                    

Zyra POV

"Ikaw talaga! Papaasahin mo pa si aile!" Sabi ko kay lance habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Ah? Bakit? Wala naman akong ginagawa"

"Anong wala?! Yung pangiti-ngiti mo ng sweet sa kaniya! Hindi yun?!"

"Tsk, anong sweet dun? Normal lang yun para sakin"

"Pwes, para sa nakita ko. Nilalandi mo si aile"

"Nilalan----what?! Huy, babae kung ano-ano sinasabi mo, ah! Para sabihin ko sayo wala lang iyon!"

"Anong wala?! Para sayo! Pero, sa nakikita kong iyon may meaning!"

"Meaning-meaning?! Huy, wala nga! Sisiraan mo pa ako kay kc ko!"

"Sisiraan! Bakit may sinasabi na ba ako kay kc?"

"Aba! So, may balak ka talagang sabihin?!"

"Malamang----"

"Huy, babae! Subukang mong sabihin----"

"Nagtatalo na naman kayo" Napatingin kami kay zana. Hutek! Nandito na pala kami sa cafeteria. Hindi ko manlang namalayan.

"Ito kasi! Sabi niya wala lang daw iyon!" Turo ko pa kay lance.

"Huy! Wala lang naman iyon! Simple smile lang iyon"

"Simple smile?! Pinapaasa mo yung tao! Halata namang type ka niya. Tapos kung maka-ngiti ka sa----"

"Ahem, sinong may type kay lance?" Nanlaki ang mata namin ni lance ng marinig namin ang boses ni kc.

"Kasi ang ingay mo" bulong sakin ni lance.

"Anong ako? Ikaw kaya!" Bulong ko rin.

"Ikaw!"

"Ikaw, zyra!"

"Aba, ikaw nga lance"

"Kung-----"

"Hindi niyo ako sasagutin?" Taas kilay ng tanong ni kc. Siniko ko naman si lance. Pero, ang loko siniko rin ako.

"Yung fangirl niya, hehe. Type siya nung fangirl niya. hehehe" palusot ko. Lagot ka sakin lance kapag hindi tumalab. Tumaas lalo ang kilay ni kc sa sinabi ko.

"Malamang. Fangirl niya nga, eh! So, niloloko niyo ba ako?"

"No! Syempre, no!" Agad na sabi ni lance at lumapit siya kay kc.

"Pandak" tawag sakin ni yabang. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Problema mo?"

"Iba magalit si kc. Bahala kayo diyan" nanlaki lalo ang mata namin ni lance sa sinabi ni yabang.

"Oo nga! Kaya sabihin niyo na kung sino" pananakot din ni taylor. Bumuga naman kami ng hangin ni lance.

"Si zyra kasi!" Panunumbat sakin ni lance. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong ako? Kinausap ko lang naman siya kasi ang tahimik niya. Para siyang pipi---baka dinaig na niya ang pipi sa sobrang tahimik niya. Tapos ikaw! Kung makangiti ka kay aile ang tamis"

"Normal nga lang naman iyon" Tumingin siya kay kc. "Honey, normal lang iyon. Promise! Tong si zy lang ang nagbibigay ng malisya"

"Aba! At ako pa talaga?!"

"Oo naman! Dadamay mo pa ako!"

"Kanina ka pang umaga lance, ah! Ikaw kaya!"

"Ikaw! Kung hindi mo siya kinausap wala ito!"

"Aba eh, naaawa ako eh!"

"Oh, tapos sasabihin mo sweet ang ngiti ko"

"Ipakita mo kaya sa-----"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon