Chapter 15: Dati

1.3K 33 0
                                    

Zyra POV

"May tao sa loob?" Tanong ko kay zana ng lumabas siya sa room ni dadu. Nailipat na pala ng kwarto si dadu. Total malapit na siya maka-recover.

"Wala. Bilisan mo. Balita ko. Kumain lang sila sa labas" tumango ako at inayos ang sarili ko bago ako pumasok sa loob. Naiwan naman si zana sa labas upang sabihan ako pag-nandiyan na sila.

Nang maka-pasok ako nakita ko agad si dadu na nakangiti saakin. Napangiti din ako at mabilis siyang niyakap.

"Dadu" naiiyak ko ng banggit sa kaniya. Miss na miss ko na siya.

"My princess" bulong niya at hinalikan ako sa ulo. Napatulo na ang luha ko ng sabihin iyon ni dadu. Nakakamiss ang boses niya lalo na kapag sinasabihan niya ako niyan.

Parehas sila ng tatay ko ng tawag saakin. My princess ang tawag sa akin. Sa totoo lang ang sarap sa pakiramdam nun.

"Dadu, miss na miss po kita"

"Miss na miss na rin kita, princess. My princess. Uwi ka na" napa-iyak ako lalo sa sinabi niya at umiling.

"Sa ngayon, dadu. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siguro mas mabuti na muna kung lumayo ako sa inyo para makapag-isip ako ng tama"

"Hija, 3 years ka na naming hindi nakaka-sama. Alam mo bang hindi maka-tulog ang mga magulang mo kakahanap sayo? Lagi ring sinisisi ng mama mo ang sarili niya kung bakit ka umalis. Hanggang ngayon, nag-aalala pa rin kami sayo. Hindi namin alam kung nakaka-tulog ka ng maayos o kung may maayos ka bang pinag-tutulugan. Kung hindi kaya nakaka-kain ka ba sa tamang oras. Hija, minu-minuto. Hindi ka nawala sa isip namin" napahagulgul na ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam na ganun na rin kahirap ang pinag-dadaanan nila. Pero, bakit ganun? Nanaig pa rin ang sama ng loob ko sa pamilya ko? Siguro, masakit talaga yung nagawa nila saakin. Ang hirap kasing tanggapin. Magulang mo sila pero parang hindi ka tinuring anak.

"Sorry, dadu. Pangako. P-pag-iisipan ko ng mabuti iyan. Sa ngayon hayaan niyo po muna ako. Gusto ko munang mag-isip ng tama"

"Naiintindihan kita, hija. Pangako yan, ah?" Tumango ako at niyakap siya lalo. "Kapag hindi mo na kaya, hija. Huwag kang matatakot lumapit saaming mga nagmamahal sayo. Dahil kahit gaano kahirap ang pag-daanan mo basta kasama mo kami. Malalagpasan mo agad ito" parang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Siguro, kailangan ko na ring ilabas ang tunay kong nararamdaman. Pero, paano ko ba sisimulan? Ang dami na kasing nabago. At isa pa. Baka huli na ako.

---

"Oh, sayo na" sabay lagay ni zana sa plato ko ng steak.

"Ayaw mo lang, eh"

"Hehe, sige na"

"Kamusta naman kayo ni luis? Balita ko malapit na ang anniversary niyo"

"Ayun, ayos lang naman. Tsaka, normal lang sa isang relasyon ang mag-away pero dapat agad din kayong magka-intindihan para hindi lalo lalala ang pinag-aawayan niyo" sabi niya "Oo nga noh. Malapit na anniversary namin. Balak sana naming pumunta ng palawan"

"Sa resort niyo?"

"Hindi. Sa resort nila Xylorh"

"Bakit doon pa?"

"Wala lang. Ang ganda kasi ng lugar na yun. Ang dami ding nadagdag na puno"

"Ganun ba? Siguro nga mas lalong gumanda"

"Oo mas lalong gumanda. Malapit na nga pala birthday ni Xylorh, ano? Excited ka na ba?" Napahalukipkip ako at tumungo.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung iinvite niya ako" sabay buga ko ng hangin. "Panigurdo naman kasing si joy ang kasama niya. Alam mo deserve ni joy ito, eh"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now