Chapter 8: Sunog

1.8K 50 0
                                    

Zyra POV

Hays, lunes na naman. Bumangon na ako sa kama kasi pag hindi baka ma-late ako.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniform. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakita ko naman si zana na nag-aalmusal habang may ka-text.

"Ginagawa mo pa dito?" Tanong ko habang nagtitimpla ng gatas at nag-cereal ko.

Maaga kasi ang pasok niya. 7:00am ang pasok nila. Samin ay 7:30am. Eh, 7:10 na eh. Nandito pa ito.

"Ah, wala yung first subject namin, eh" Tumango na lang ako at kumain na. "Hanggang kailan mo papanindigan yan?" Napatigil naman ako at kumain ulit.

"Hanggang kaya ko"

"Zy..."

"Please, huwag ngayon"

"So, kailan mo gusto?"

"Pag matanda na ako"

"Zyra Vic"

"Tsk, aalis na ako"

Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko na siya nilingon. Yan ang kinaka-inisan ko kay zana eh. Yung kakausapin ako sa walang kwenta bagay.

Nang makarating ako sa campus. Dumeretso agad ako sa room.

"Oh, anyare sayo?" Natatawang sabi ni lance ng maka-upo ako sa upuan ko.

"Ang pangit mo kasi" ako naman ang natawa ng samaan niya ako ng tingin.

"Yabang mo ah!"

"Well, ako kasi si Zyra"

"Zyratot"

"Lancetot!" Asar ko din pinitik niya naman yung noo ko.

"Nag-date nga pala kami ni kc kahapon"

"Yuck. Ang pangit mo kiligin" singhal ko ng mag-blush yung pisngi niya.

"Maka-pangit ka naman. Ikaw nga mukha natatae tuwing kikiligin. Mas yuck yun!" Sinamaan ko ng siya ng tingin.

"Grabe ka ah"

"Bakit? Ikaw naman ang nauna ah"

"Ah? Ako? Kapal mo din eh noh?"

"Talaga naman, ah!"

"Hindi ka titigil?" Akmang papaluin ko siya ng hawakan niya na yung kamay ko. "Bitawan mo nga ako"

"Ayoko nga. Kapag ginawa ko yun papaluin mo ko"

"Hindi!! Bitiwan mo na ako"

"Tandaan mo. Pagsinapok mo ako. Kawawa ka"  banta niya. Sinamaan ko nga siya ng tingin ng bitawan niya na yung kamay ko.

'Taena, ang sakit nun ah" hinampas ko siya sa braso.

Gaganti pa sana siya ng dumating na si miss. Ngumisi lang ako sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"PARA kang tangang ngumingiti diyan" taas kilay kong tinignan si lance sa sinabi niya.

"Bakit ba?! This is none of your business" sabay kain ko ng burger. Nandito nga pala kami sa cafeteria dahil recess namin.

"Hi" Napatingin kami kung sino yun at nakita namin sina mike, jonna at hiro.

"Can we join?" Nakangiting sabi ni jonna. Napatango na lang kami at naupo na sila.

"Musta pala ang weekend?" Tanong ni mike na naupo sa tabi ko.

"Ah? Yun ba? Ayos lang naman" sabay naming sabi ni lance. Napatango naman sila.

"Malapit na pala ang sports festival" napatingin kami kay hiro sa sinabi niya.

"Yeah, malapit na nga. Anong sports kinuha niyo?"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now