Chapter 29: Boyfriend

1.3K 30 0
                                    

Zyra POV

"Nakaluto ka nga ng egg. Sunog naman" mas lalo silang nagtawanan dahil doon. Shems! Napapahiya na ako dito, ah. Bwiset talaga si zana kahit kailan.

"Oh, nahiya naman ako sa inyong mga tumatawa! Lalo ka na!" Sabay duro ko kay yabang na nginisihan ako.

"Marunong akong magluto. Huwag mo akong itulad sayo"

"Yabang! Napaka-yabang. Eh, kayo" singhal ko sa iba.

"Marunong kami" sabay-sabay nilang sabi. Napataas naman ang kilay ko.

"Sa arte niyong yan. Impossible"

"Hindi porket ganito kami tuulad muna kami sayo" sabi ni taylor.

"Tsk, huwag mo nga akong ginaganiyan, taylor. Baka ibalik kita sa Indonesia"

"Kababalik ko nga lang, eh. Pababalikin mo ulit ako?" Napa-ngiwi na lang ako. Bakit ba andito tong mga toh?

"Ah, Ms. Zyra Vic" napatingin kami sa nagtawag sakin at nakita namin ang isang estudyante.

"Oh? Bakit?"

"Pinapa-punta po kayo sa CIS" lahat kami nagulat sa sinabi niya.

"Anong gagawin ko dun? Sino nagpapapunta?"

"Si dean Carl po"

"Ah? Bakit daw?"

"May sasabihin daw po siya sa inyo"

"Bakit ako lang? Eh, kami lagi ni lance ang magkasama tuwing inuutusan niya"

"Hindi ko rin po alam Ms. Vic. Hinihintay po kayo doon ni dean Carl"

"As in ngayon? Ngayong ala sais?"

"Opo"

"Eh, delikado na doon ng ganitong oras lalo na at wala ng ka-ilaw-ilaw sa lugar na iyon"

"Sorry, ms. Vic. Napag-utusan lang ako" tumango na lang ako bago siya umalis.

"Huwag ka na kayang pumunta, couz. Alam mo namang marami ng nababalita diyan" teka, baka ipapahanap niya sakin yung folder na kinuha ko. Shit. Hindi niya pwedeng malaman na nasa akin yun!

"Bakit ba lagi kang inuutusan ni dean Carl?" Tanong ni mike na kinakibit balikat ko.

"Ah! Alam ko na. Kasi maganda ako" napa-ubo silang lahat sa sinabi ko kaya natawa ako.

"Tutuloy ka pa ba?" Tanong ni luis na kinakibit balikat ko.

"Siguro. Wala namang mawawala sakin kapag pumunta ako"

"Samahan na kita" sabay akbay sakin ni ashero.

"Bye, zyra" sabi ng mga ka-member ko sa banda.

"Bye. Ingat kayo. May multo pa naman diyan sa parking lot"

"Waahhhhh, zyra!" Natawa ako ng nagsigawan silang lahat. Mukhang Shunga.

"Makapang-asar ka, eh. Takot ka din naman" pang-aasar sakin ni Bryant.

"Sshhh, maririnig nila. Yun pa gawing alas sakin"

"Whatever, zyra"

"Ops, paano? See you on monday" nakangiting sabi ko.

"Pupunta ka sa CIS?" Gulat na gulat na sabi ni ashley.

"Oo, bakit? Sasama ka?"

"Ayoko, takot ako"

"Tatanong ka pa hindi ka naman pala sasama" napatingin ako sa kanila. "Sino sasama?----aray"

"Huwag ka ng pumunta"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now