Chapter 68: Plan

919 31 0
                                    

Zyra POV

"Nakapili na ba kayo kung sino ang makakasama niyo?" Tanong ni dean. Nagkatinginan kami. "Ms. Vic ikaw ang unang mamimili kung sino ang makakasama mo. Mamili ka ng sampu" tumayo ako at tumingin sa kanila.

"Stella joy" nagulat sila sa sinabi ko. Lalo na siya. "Mike, taylor, jace, deo, jacod, frey, mish, samantha and..." Tumingin ako sa kabila. "Patricia" nagulat sila sa sinabi ko. Umupo na lang ako.

"Next, president lopez" saad ni dean. Tumayo si yabang.

"Lorh, wayne, Bryant, ashero, hiro, brix, zana, jonna, thea and troy" sagot ni yabang. Napangisi naman ako sa kawalan.

Mabuti at pinili niya sila xylorh. Sinadya ko talagang hindi piliin sila xylorh dahil gusto kong piliin sila ni yabang.

"And the rest. Kayo na ang magkaka-sama" sagot ni Dean.

---

"Kaano-ano ni dean sila stepher?" Tanong ni zana habang kumakain kami. Lunch break na, eh.

"Isang frat si stepher, diba?" Tanong din ni harry. Tumango-tango kami.

"Leader siya ng frat. Ewan ko kung tauhan niya si sir remeo" sagot ni troy.

Napalukot na naman yung noo ko. Isa pa yun. Kung kakausapin ko si sir remeo. Sasabihin niya kaya ang tungkol sa frat? Baka hindi rin. Magdadahilan pa ang lokong yun na. Ano yung frat? Hindi ko alam yan miss vic. Palusot, tsk.

Pero, wala namang masama kung kakausapin ko siya, hindi ba? Papasama naman ako sa kanila, eh. Edi, mas lalong hindi papayag yun!

"ZYRA!" Napabalik ako sa realidad. Napatingin ako sa kanila. Lahat na sila nakatingin sakin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanila.

"B-Bakit?"

"Anong bakit? Are you okay ba talaga? Kanina ka pa lutang" sagot ni yabang. Napabuga naman ako ng hangin. Kinuha ko yung fries.

"Isang frat si sir remeo, diba?"

"Yes, anong binabalak mo?" Tanong ni xylorh. Napangisi ako.

"Kakausapin ko si dean carl"

"Akala ko ba hindi mo alam kung nasaan siya?" Nagtatakang tanong ni sam. Napangisi ako lalo.

"Hindi ko basta-basta ipapahamak si dean carl. Wala ng tulog yung tao kakaisip tapos bibigyan ko pa siya ng bagong isipin? No way. Tutulungan ko siya"

"In what way?" Tanong ni lance.

"Lance naman! Ikaw ang mas higit na nakakakilala sa kaniya" natawa siya at tinaas-taas ang dalawang kamay.

"Kung ganun?! Ano ngang binabalak mo?" Tanong ni wayne. Napaisip ako. Paulit-ulit, Wayne?

"Winnie" natigilan si winnie. Tinignan ko siya.

"B-Bakit?"

"Matagal kang nag-aral sa CIS, diba?"

"Oo naman. Simula pa nung elementary ako"

"Ahm, alam mo ba ang mga pasikot-sikot doon?" Lumapit siya sakin.

"May laboratory sa baba" bulong niya. Napangisi ako.

"Paano mo nalaman?"

"Nakita ko nun. May ibibigay sana ako kay dean kaso may nakita akong pinto kaya pumasok ako doon at dun ko nalaman"

"Sino pa ang nakaka-alam?" Umayos siya ng upo.

"Wala na. Mag-isa lang ako nun, eh" napatango naman ako at nag-isip muli. Bakit ba isip ako ng isip? At isa pa bakit nagsa-sarili ako?!

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now