Chapter 74: Daddy

988 35 0
                                    

Zyra POV

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kaniya. Madilim kasi dito kahit tanghali pa lang at marami ding puno sa paligid. At isa pa, ang tahimik ng lugar.

"Nasa gubat tayo ng isla"

"Ah?!"

"Mmm"

"Gagawin natin dito?"

"Secret. Maghintay ka lang" napataas ako ng kilay at binatukan siya.

"Maghintay? Paano kung may ahas dito?"

"Takot ka sa ahas?"

"Hindi. Para rin naman kasing tao ang ahas"

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi ang ahas pumapatay minsan ng tao. Eh, yung mga masasamang tao naman pumapatay din ng tao"

"Tsk, dito ka nga. Baka may butas dito mahulog ka"

"Psh, ano ba talagang ginagawa natin dito?!"

"Hindi ka marunong maghintay noh?"

"Kung sinabi mo na edi tapos na-----"

"Mabuti at dumating ka" napatingin kami sa harap at nakita ang isang matandang babae. Napatingin ako sa kabuoan niya. Uugod-ugod na siya at singkit na ang mata.

"Oo, naman po, aling sona" inakbayan ako ni yabang. "Aling sona, girlfriend ko nga po pala"

"Hello ho. Ako ho si zyra"

"Napaka-ganda naman ng ngalan mo. Katulad nitong gwapong lalaking toh"

"Naman, aling sona" natawa kami sa sinabi ni yabang.

"Nananghalian na ba kayo?"

"Ah, opo aling sona" sagot ni yabang. "Ahm, aling sona hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Talagang may gusto lang akong itanong sa inyo"

"Ano yun, hijo?"

"Sino po ang pumatay kay daddy?" Napa-kunot noo ako sa sinabi niya. May pumatay sa daddy niya? The hell! Akala ko may sakit kaya namatay yun pala pinatay. Eh, bakit naman kaya siya pinatay?

"Mga gangster ang pumatay sa daddy mo"

"Po? Bakit po nila pinatay ang daddy ko?!"

"Napagbintangan siya, hijo. Pinag-bintangan siya ni zarina" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Napa-kunot noo naman ang noo ni yabang. "Matagal ng magkakilala ang daddy mo at si zarina. Matagal na ding may galit si zarina sa daddy mo. At dahil sa galit niya pinatay niya ang daddy mo. At isa pa, isang gangster si zarina"

"Bakit siya galit sa daddy ko?!"

"Kasi hindi siya magustuhan pabalik ng daddy mo. Matagal ng may gusto si zarina sa daddy mo at dahil hindi siya magustuhan pabalik ng daddy mo, pinag-bintangan niya ang daddy mo at pinatay niya ang daddy mo" napasuntok si yabang sa puno. Napalunok ako at napakuyom ng kamao. Ang dami mo ng kasalanan sakin!

"Sino si zarina?!" Doumoble ang kaba sa dibdib ko. Hindi pwede! Hindi mo pwedeng pangunahan ang plano ko! "Anong apilyedo ni zarina?!"

"Isa siyang... Vic. Siya si Zarina Vic" dahan-dahan lumingon sakin si yabang. "Isang gangster si zarina vic"

"T-Teka, ho" pigil ko sa matanda. Akma kasi siyang tatalikod na.

"May sasabihin ka pa ba, hija?"

"M-May kilala ho ba kayong heirless?"

"Oo, hija bakit?"

"N-Nasaan ho sila? S-Saan ko ho sila matatagpuan?"

"Bakit mo gustong matuntun ang bahay nila, hija? Alam mo bang delikado ng pumunta sa bahay nila? Kahit pa sa tapat ng bahay nila bawal at delikado na. Kaya bakit mo sila gustong matuntun?" Napayuko ako sa sinabi niya at umiling.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon