Chapter 16: Ninja

1.2K 38 2
                                    

Zyra POV

"Oh, anyare sa paa mo?" Natatawang sabi ni lance ng maka-pasok ako sa room.

"Natisod ako kahapon" at ayun na nga. Tumawa na siya na parang timang.

(︶︿︶)

"Haha, ano ba kasing ginagawa mo?"

"Sinubukan kong lumipad tulad ng ginagawa ng mga ibon. Pero, dahil natutunan ko agad. Sinubukan ko sa rooftop tapos sa sobrang talino ko bumagsak ako sa ibaba" mas lalo siyang tumawa na kina-irap ko. Sige diyan siya sumasaya, eh. Pag bigyan na.

Nang dumating na si miss nagturo na agad siya pero ng nasa kalagitnaan na kami ng klase may kumatok sa pinto. Isang gwapong estudyante ang kumakatok.

"Kyaahhh, fafa kaizer"

"Ang gwapo-gwapo mo talaga, zyzeir ko"

"Why your so handsome?"

"Ligawan mo na ako"

"Date tayo"

"Class, quiet" sigaw ni miss sa mga classmate namin ni lance. Pero, hindi ko sila pinansin bagkus agaw atensyon si zyzeir. "Yes, Mr. Lopez? Do you need anything?" Malanding sabi ni miss. Grabe, katanda-tanda na eh. Humaharot pa!

"Yes, miss. All students and teachers. Please go to gymnasium" agad nagsi-taasan ang balahibo ko ng marinig ang boses niyang sobrang lamig. Taena, naging yelo na atah itong room.

⊙▃⊙

"Okay, we will go there. Thank you, Mr. Lopez"

"Your welcome, miss" sabay alis niya. Napa-kapit naman ako sa braso ni lance.

"Nakaka-kilabot siya"

"Parang hindi naman---aray. Oo na" binatukan ko nga siya. Yabang-yabang iyakin naman.

"Okay, class. Please go to gymnasium. Like what he said" sabay flip hair ni miss at umalis na.

Muntik na tuloy malaglag panga ko sa nakita ko. My god, dinaig pa ako. Sabagay, mukhang clown yung mukha niya. Kapal ng make up, eh.

"Malalaglag na panga mo" sabi ni lance. Sinamaan ko nga siya ng tingin.

"Alam mo ang swerte natin may schoolmate tayong mga mukhang artista"

"Oo nga. Buti nga naka-balik na ulit dito si kaizer noh?"

"Yeah, buo na ulit ang quartz"

"Puro may grupo-grupo dito noh?"

"Oo nga. Pero, kahit ganun. Lahat naman ng mga grupo dito. Ang gwa-gwapo"

"At buti na lang hindi sila nag-aaway-away noh?"

"Shunga. Dalawang grupo lang naman ang sikat dito. Ang quartz tapos ang F3"

"Yeah, aminado naman sila na mga gwapo sila"

"Mas gwapo si kaizer ko"

"Mas gwapo kaya si Xylorh"

"Yezzz, may nililigawan na yung tao. Buti pa si kaizer ko single at wala pang nililigawan"

"Anong wala? Meron kaya"

"Wala"

"Meron"

"Wala nga sabi eh"

"Sinabi ng meron"

"Ang kulit mo naman" sabay hila sa buhok ng kaibigan.

At ayun na nga. Gumanti din ang kaibigan. At nagtatapos ang pagka-kaibigan nilang dalawa sa sabunutan. Yeah, nagsabunutan na sila.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon