Chapter 61: The Old Friend

950 35 0
                                    

Zyra POV

"Kaya namin kayo pinapunta dito dahil may iaanounce kami. Tulad ng sabi ko kanina. Importante ito" paninimula ni dean max. "I aadjust namin ang sports festival" Napa-'aahhh' naman ang karamihan. Bakit naman nila iaadjust? Anong meron? "Kaya namin i-aadjust dahil may magaganap na camping" natuwa ang lahat dahil doon. "Gusto muna naming pagpa-hingain kayo kaya naisipan namin ito. Sa laguna magaganap ang camping. Kaya kung gusto niyong sumali. Magpalista lang kayo sa president ng campus niyo dahil sila ang tagalista kung sino ang sasali sa camping. Ahm, 1 week iyon kaya sulit, oo. At isa pa. Sa Friday na pala iyon kaya sana pag-isipan niyo na ng mabuti para makapag-lista na kayo"

Napa-isip naman ako. Kung sasali ako. Makakapag-relax ako. Pero, marami pa akong aasikasuhin. May trabaho pa ako, may kailangan pa akong gawin sa organization. At kung sasali man ako makakapag-relax ako at makakapag-isip ng maayos. Hays, ng hirap mag-desisyon.

Well, kaka-sweldo ko lang nung linggo. Kaya may pambayad ako sa camping kung sasali ako. Bumuga ako ng hangin at sumandal sa kinauupuan ko. Para namang ang dami kong problema, psh.

"Hindi ka tatayo diyan?" Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni yabang.

Narinig ko namang nagsibungisngisan yung mga kasama namin kaya tumayo na ako. Tumingin ako sa paligid at nasisi-labasan na pala ang mga estudyante.

"Parang ang dami mo namang problema" natatawang sabi ni ashley na kinangisi ko.

"Sa sobrang dami kong problema hindi ko alam kung lilipad ba ako o maglalakad" napanganga sila sa sinabi ko. Kinindatan ko naman sila.

"Zyra, epekto ba iyan ng gutom?" Tanong ni yanna na kinangisi ko ulit.

"Siguro. Hindi kasi ako nag-almusal tapos hindi rin ako nag-tanghalian-----aray" pinitik ni yabang yung noo ko.

"Bakit hindi ka kumain?"

"Malalate na ako pag kumain pa ako! Tapos kapag nalate ako lalagyan mo ng x yung record ko. Syempre, ayaw ko nun kaya hindi na ako nag-almusal para hindi malate. Tapos nung lunch kakasimula ko pa lang kumain. Tinawag niyo na agad ako para maki-asuyo kila natasha! Edi, hindi rin ako nakakain!" Napangiwi silang lahat sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman, ah! Mga toh sarap ihagis.

"Okay lang yan. Hindi ka na tataba" nagtawanan sila sa sinabi ni Bryant. Sumama naman ang mukha ko. Useless ang pagkain ko ng madami kung hindi!!

"Look, what you did!" Napatingin kami kay natasha. Dahil siya lang naman ang nagsabi nun. Napatingin kami sa kaaway niya. Walang iba kundi si Samantha.

"Paharang-harang ka kasi. Kaya yan" tinuro ni Sam yung damit ni Natasha na namantsahan na ng juice.

"At me pa talaga ang paharang-harang? Hindi mo ba alam na mas mahal pa itong damit ko kesa sa buhay mo?"

"Hindi mo rin ba alam na mas mahal pa itong juice ko kesa sa buhay mo?" Napangisi ako sa sinabi ni sam.

"Huh! Yang juice mo mas mahal pa sa buhay ko? Eh, tag-sasampung piso lang naman yan, eh"

"Bakit napu-pulot lang ba ang pera? Hindi diba. Edi, mas mahal pa rin ang pinambili ko dito kesa sa buhay mong wala namang kakwenta-kwenta" napa-woah kami sa sinabi niya. Hehe, ang gandang manood pag ganito. Nakaka-wala ng gutom, haha.

"Huh! How dare you para sabihin yan. Sino ka ba dito sa akala mo?! Squatter ka lang naman dito, eh. Hindi kayo nababagay dito kaya umalis na kayo dito---"

"Kung hindi kami nababagay dito. Eh, ikaw ba nababagay dito?" Nakakamangha talaga siya, hshshs.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may mag-text.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now